top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Print media humingi ng tulong sa Kongreso sa pagtugon sa mga hamon at problema ngayong pandemya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 28, 2021





Hello, Bulgarians! Ang grupo ng print media ay nanawagan sa suporta ng gobyerno sa oras ng kanilang pangangailangan. Ang United Print Media Group (UPMG), asosasyon ng 32 pangunahing kumpanya ng publikasyon sa Pilipinas ay humihingi ng tulong sa pamamagitan ng paraan ng batas mula sa House of Representatives at Senado upang matulungan silang matugunan ang kanilang mga alalahanin.


Sinabi ni UPMG President Barbie Atienza, sa House of Representatives Committee on Creative Industry and Performing Arts noong Huwebes, Oktubre 21, na ang print media ay nasa kritikal na sitwasyon at nangangailangan ng tulong ng gobyerno.


This is a very important and vital industry that definitely needs a lot of help. We need to solicit help by form of legislation,” saad ni Atienza, na nabanggit ang mga hamon na kinahaharap ng print media, tulad ng natural calamities, pandemya, maging ang banta sa paglitaw ng digital industry at ang halaga ng mga materyales, buwis at iba pa.


Nanawagan din si Atienza sa House of Congress na magpasa ng batas upang magbigay ng VAT exemption sa pagbili ng papel at tinta sa pagtaas ng presyo, na aniya ay nagdudulot ng pagbaba ng pagbili ng papel.


Ayon kay Atienza, ang pagbaba ng mga publikasyon ay hahantong sa mas maliit na access at kamalayan sa mga kasalukuyang kaganapan, paglaganap ng fake news, pagbaba ng propesyunal at responsableng pamamahayag, at pagbaba ng interes sa pagbabasa at pagsusulat.

Humingi si Atienza ng VAT exemption para sa mga advertiser, tax reduction at tax assistance package para sa print media industry na aniya ay nasa panahon ng disaster bago pa man ang pandemya at nangangailangan ng tulong nitong mga nakaraang taon.

Iminungkahi rin niya ang pagsama ng news and current affairs subjects sa primary, secondary at tertiary education sa pamamagitan ng suporta ng Department of Education and Commission on Higher Education.


Sinabi ni House Committee on Creative Industry and Performing Arts chairman at Pangasinan Rep. Christopher de Venecia na gagawa sila ngayon sa pagbalangkas at paghahain ng mga panukalang batas upang matulungan ang industriya ng print media na manatiling nakalutang at makabangon mula sa pandemya.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page