top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

“Prinsipyo for sale” pa more sa pulitika!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 03, 2021



NAIINTRIGA ngayon si Mayor Isko.


‘Yung prinsipyo umano ni Yorme ay halos ibentot kina Digong at Sen. Bong Go.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


INIIWASAN natin gamitin ang paskil na “prinsipyo for sale!’


Hindi ‘yan magandang pakinggan!

◘◘◘


ILANG minuto lamang matapos magdeklara ng pag-atras sa kanyang kandidatura ang kulelat na presidential aspirant na si Senador Bong Go, bigla agad nag-iba ang ihip ng hangin mula naman sa kampo ni Aksiyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Isko Moreno.


Kumambiyo ang mamamg tsuper!

◘◘◘


KUNG noo’y halos hamunin ng away ni Yorme ang mga taga-Palasyo nang sabihing “bumibili sila sa Lawton ng tapang”, ngayo’y nagpapasalamat na agad ito “in advance”.


Ito ay sakaling siya’y napupusuan ni P-Duterte na i-endorso sa Halalan 2022.


He-he-he!

◘◘◘


PARANG kailan lang ay halos diring-diri pa si Isko nang sabihang siya ang ‘secret candidate’ ng Malacañang noong Oktubre.


Todo-tanggi si Isko at sinabing hindi siya magiging ‘closet candidate’!


◘◘◘


NIYAYABANG na imposible ‘yan dahil tinutulan nito ang mga polisiya ng administrasyon at isa na ang sapilitang pagpapagamit ng face shield sa ating mga kababayan.


Pero sa panayam ng media noong Martes, walang kagatul-gatol na inamin ni Yorme na “lahat ay welcome” sa kanyang kandidatura.


Ho-ho-ho!

◘◘◘


KAHIT sinong tao umano basta makatutulong sa ikapapanalo niya sa eleksiyon ay kailangan niya ng tulong.


Kahit ito ay mula mismo sa endorsement ni P-Duterte.


Paktaylo!

◘◘◘


ANONG milagro ini, ano’ng nangyari, Yorme?


Bakit bigla ka yatang naging balimbing?


Nasaan na ang prinsipyo, Kuya?


◘◘◘


LIMA-SINGKO na rin ba ito ngayon sa Maynila?


Nakalimutan mo na bang ikaw mismo ang kumukuwesiyon kay P-Digong kung bakit ‘brief ng may brief’ ay pinapansin ng Malacañang?


Tapos ngayon, wala pa man ay ‘thank you agad?’


◘◘◘


NAUNA ka pa kay Marites as in “mare, ano ang latest” na mag-thank you, agad-agad!

Talagang kahit pakipot wala muna?


◘◘◘


SAYANG ang paghanga natin kay Isko.


Mukhang nilalamon na siya ng bulok na sistema ng pulitika!


◘◘◘


DAPAT mong pag-ingatan ang pagyakap sa Palasyo.


Nagkagulo ang PDP Laban Party dahil sa ilang tuso at hunyangong pulitiko sa Malacañang!

◘◘◘


KWIDAW, ang bilyon pisong nakurakot ngayong panahon ng pandemya dahil sa Pharmally scandal.


Nangyari ito sa gitna ng paghihirap ng mamamayang Pilipino dahil sa COVID-19.


Paminsan-minsan ay gamitin dapat ang kukote!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page