top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Primetime Queen, nasampulan… ODETTE, TINOTOO ANG SAMPAL, MARIAN NA-TRAUMA

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 10, 2026



BULGARY - ODETTE, TINOTOO ANG SAMPAL, MARIAN NA-TRAUMA_YT KMJS & IG _marianrivera

Photo: YT KMJS & IG _marianrivera



May issue pala dati sina Marian Rivera at Odette Khan sa isang teleseryeng ginawa nila. Masyado raw kasing realistic ang pagsampal ng beteranang aktres sa Primetime Queen na para bang nilakasan talaga, kaya na-trauma ito.


Pero kahit na may issue sila before, Marian still extended her help, which saved Odette’s life. Marian never disclosed it publicly until Odette’s daughter revealed it sa isang interview.


Sabi nga ng beteranang aktres, “I don’t know what I would have done. Wala na ‘ko sa mundong ‘to if you never extended your help.”


Pinuri naman ng mga netizens ang kabutihan ng puso ni Marian.


“She’s so genuine, we made the right person famous! Deserve n’ya lahat ng blessings n’ya!”

“Mabait naman talaga ‘yan. Hahaha! She’s the most misinterpreted artist of her generation. Kung hater ka n’ya, it’s either die-hard fan ka ni Karylle, solid Kapamilya ka, or talagang b*bita ka lang in nature. ‘Yan lang naman lagi common ground ng mga bashers n’ya, eh. LOL (laugh out loud).”


“I’m not really a fan of Marian but I love how genuine she is. Bakit n’yo inilabas ‘yan? You know she didn’t want to publicize her help for Ms. Odette.”


“And she helped many actors na naospital like Buboy Villar, to name a few. She also saved Boobay’s life and paid their hospital bills.”


“‘Di lang po artists ang tinutulungan n’yan, kahit staff and crew sa GMA. Earlier on her career, (pinatotohanan ni Direk Tonette Jadaone), may mga regalo na s’ya sa kotse para kung sino’ng may birthday, dudukot na lang s’ya sa kotse at ibibigay.”





Ibang-iba raw kay Kakie ni Sharon na sablay… ZIA AT DAHLIA NA ANAK NINA MARIAN AT ANNE, PURING-PURI SA GALING KUMANTA



HINDI lang cuteness ng pagtatanghal ang pinag-usapan sa recital nina Zia Dantes, anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, at Dahlia Heussaff, anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Kapansin-pansin din para sa mga netizens ang husay at improvement ng dalawang bagets sa pagkanta, lalo’t nagsisimula pa lamang silang hasain ang kanilang talento.


May netizen pa ngang tila ipinagmalaki ang musical genes ng dalawang bata, sabay patutsada sa mga hindi raw naniniwalang puwedeng sumikat ang mga anak ng celebrity moms na hindi naman kilala bilang professional singers.


Sey nila, may platinum record award si Marian at may sold-out concert naman si Anne. Kaya naman, tila ipinasa na raw nila ang entablado sa susunod na henerasyon.


Pero higit sa biruan, marami ang humanga sa improvement ni Zia mula nang magsimula itong mag-voice lessons. Puring-puri naman si Dahlia dahil first recital pa lamang daw nito ay agad nang sumabak sa malaking entablado. 


May netizen pang nagsabing mas marami pang kayang ipakita ang dalawang bata dahil malayo pa ang kanilang mararating sa larangan ng musika.

Napansin din ang pagkakahawig ng dating at style ni Zia sa international pop star na si Olivia Rodrigo.


Samantala, may netizen na nagbigay ng ibang pananaw sa usapin ng talent development, na sinabing hindi raw lahat ng magulang ay may kakayahang magpaaral ng anak sa professional voice coaches. 


Sang-ayon naman dito ang isa pang netizen at sinabing hindi naman kailangang mamahaling training ang sukatan ng suporta ng magulang. Malaking bagay rin daw ang oras, encouragement at pagbibigay ng pagkakataong ma-explore ng mga bata ang kanilang talento.


Pero siyempre, hindi rin nawala ang paghahambing sa ibang anak ng celebrities. May isang netizen na idinawit pa si Kakie Pangilinan at ang ina nitong si Sharon Cuneta, na sinabihang dapat daw ay mas maagang nabigyan ng maayos na voice training. Hindi raw kasi magandang pakinggan ang boses ni Kakie at nawawala raw ito sa timing.


Anyway, mas kapansin-pansin sa mga komento ang paghanga sa dalawang bagets na tila unti-unti nang nagpapakita ng sariling kakayahan sa musika. Mukha raw may ibubuga sina Zia at Dahlia sa music industry, at sila ang ilan sa mga aabangan sa susunod na henerasyon ng showbiz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page