Prime Billing, nanlampaso sa Hopeful Stakes Race
- BULGAR
- Jul 19, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 19, 2023
Inilampaso ni Prime Billing ang mga nakatunggali kaya naman madali nitong sinungkit ang panalo sa 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.
Maganda ang naging lundag ni Prime Billing, maayos ang salida kaya naman nakakapit agad ito sa matulin sa largahan na si Cluster.
Pagsapit ng backstretch ay inagaw na ni Prime Billing ang unahan kay Cluster.
Pagkakuha ng unahan ay hindi na pinalapit ni Prime Billing ang mga kalaban at kampante na rin si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patricio Ramos Dilema sa pagdadala.
Inilista ni Prime Billing ang tiyempong 2:06.8 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ang P900,000 premyo ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr.
Tinawid ni Prime Billing ang finish line ng may apat na kabayong bentahe sa pumangalawang si Chrome Bell na sinakyan ng dati ring PSA-JoY awardee na si Jonathan Basco Hernandez.
Nasikwat ni Chrome Bell ang P300,000 habang tig- P150,000 at P75,000 ang third at fourth placers na sina Winner Parade at Glamour Girle ayon sa pagkakasunod.
Kinubra naman ng breeder ng winning horse na si Mariano Tirona ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.
Samantala, nag-aabang na naman ang mga karerista sa mga stakes races na ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).





Comments