top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Prime Billing, kakasa sa Hopeful Stakes Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 15, 2023


Kakasahan ni Prime Billing ang tikas nina Chrome Bell at Cluster ngayong araw sa magaganap na 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Maliban kina Chrome Bell at Cluster, kikilatisin din ng Prime Billing ang ibang kalahok na sina Badboy MJ, Glamour Girle, Grand Monarch at Winner Parade.


Babaybayin ng mga kalahok ang distansiyang 2,000 meter race kaya inaasahang marami ang puwedeng mangyari sa karerang nakalaan ang P1.5M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Prime Billing, puntirya nilang masilo ang first place prize na P900,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Komento ng mga karerista, tiyak na magandang laban ang kanilang masisilayan at paniguradong mahirap pumili ng tatayaan dahil lahat ng kasali ang magagaling na kabayo.


Kukubrahin ng second at third placers ang P300,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod habang tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ang 4th, 5th at 6th.


Mag-uuwi rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.


Samantala, pakakawalan din ngayong araw ng Biyernes ang 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race, pitong kabayo ang magtatagisan ng bilis.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page