top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Prime Billing at Glamour Girle, magpapabida sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 18, 2023



Pakay nina Prime Billing at Glamour Girle na saltuhin ang asam ni Tell Bell na sungkitin ang panalo sa Road to Triple Crown Stakes Race na aarangkada sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas bukas, (Linggo).


Kahit tinalo na ni Tell Bell sina Open Billing at Gloamour Girle ay inaasahang mapapalaban pa rin ng todo ang una ayon sa komento ng mga karerista sa social media.


Pakay ni Tell Bell na hablutin ang pangalawang sunod na panalo sa distansiyang 1,600 meter race kung saan ay makakatagisan niya ng bilis ang anim pang tigasing kabayo.


Nakalaan ang guaranteed prize na P1-M naa ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, maliban kina Tell Bell, Open Billing at Glamour Girle ang ibang kalahok ay sina Domsat Seven, Go Aydan Go, Going East at Player Andri.


Hahamigin ng mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang P600,000, habang mapupunta ang P225,000, P125,000 at P50,000 sa second hanggang fourth placers ayon sa pagkakahilera. May kukubrahin din ang breeder ng winning horse na P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, Nagwagi nitong nakaraang buwan si Tell Bell sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Stakes Race" na inilarga sa parehong lugar.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Biyernes kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page