top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Presyo ng bilihin, bantay-sarado, dapat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 23, 2021



Bilang tulong sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapatupad ng “price freeze” sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, nangako si PNP chief PGen. Dionardo Carlos na mahigpit nilang binabantayan ang presyo ng mga pangunahing produkto.


Ito ay matapos ang hagupit ng Bagyong Odette, kung saan ilang lokal na pamahalaan na ang nagdeklara ng state of calamity kabilang ang Camarines Norte, Cebu, Bohol at Negros Occidental.


Ayon sa opisyal, alinsunod sa Sections 6 at 7 ng Republic Act 7581 o The Price Act, awtomatikong umiiral ang price control sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity.


Sakop nito ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, mais, tinapay, sariwa at de-latang isda, karne ng baboy, baka at manok, gatas, gulay, root crops, kape, asukal, mantika, asin, sabong panlaba, panggatong, uling, kandila at essential na gamut


Dapat lang na bantayan ang presyo ng bilihin, lalo pa’t hindi maiaalis ang posibilidad na may manamantala sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo. At kapag may napatunayang lumabag, sampolan upang hindi tularan.


Bagama’t hindi na bago ang ganitong pananamantala tuwing may kalamidad, nakadidismaya dahil sa halip na tulungan ay nabibikitma pa ng panloloko.


Paalala sa mga nagbabalak manlamang d’yan, may kalalagyan din kayo. Hindi na kayo nakatutulong, nagdudulot pa kayo ng bagong problema.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page