Preso at pamilya, ibabahay sa bagong kulungan — BuCor
- BULGAR

- Aug 19, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | August 19, 2023

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang, Jr. na gusto niyang magtayo ng isang baryo kung saan papayagan ang mababait na bilanggo na may tatlo hanggang limang taon na lamang na sentensiya na manirahan kasama ang kanilang pamilya.
Ani Catapang, papayagang manatili sa Barrio Libertad ang preso kasama ang pamilya.
Target nilang itayo ang Bario Libertad sa paanan ng bundok sa Barangay Iwahig sa Puerto Princesa, Palawan.
Mayroon na aniyang inisyal na 20 hanggang 30 preso ang napili nila para rito.
“Kaya may Barrio Libertad. Together with their families, they will be staying at the foot of the mountain, they will reforest it, or they will — magtanim sila ng bamboo, for carbon trading, magtanim sila ng coconut,” ani Catapang sa isang panayam.





Comments