Presidential Gold Cup, labanan ng mga kampeon
- BULGAR

- Dec 9, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 9, 2020
Nakatakdang magharap ang mga magagaling na mananakbo na itinuturing na kampeon sa PHILRACOM 2020 Presidential Gold Cup sa Dis. 27,2020 sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI) sa Carmona, Cavite.
Maituturing na labanan ng mga kampeon ang maghaharap sa naturang karera. Magkakarerahan ang kampeon na Heneral Kalentong, Union Bell, Boss Emong, Princess Eowyn, Real Gold, Super Sonic at Super Swerte. Ang ibang kalahok ay Electric Truth, Pangalusian Island, Patong Patong, Shanghai Grey, Summer Romance, Toy for the Big Boy, Victorious colt at Wonderland.
Ang Heneral Kalentong ang itinanghal na kampeon sa tatlong yugto ng katatapos na Triple Crown ngayon taon.Ang kapatid ni Heneral Kalentong na Union Bell ang Grand champion ng 2019 Juvenile.
May nakalaang P3-M ang karera na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.Ang kampeon ay magkakamit ng P1.8-M habang ang 2nd place ay may P600,000, habang mag-uuwi ng P300,000 ang 3rd place samantalang makatatanggap ng P150,000 ang 4th place at may pampalubag loob sa 5th place na P90,000 habang may P60,000 ang 6th place. Tatanggap ang horsebreeder ng P100,000 sa tatanghaling kampeon.




Comments