top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Presidential adviser ni P-BBM… DIREK PAUL, STOP SA PAGGAWA NG PELIKULA PARA SA PISONG SUWELDO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 21, 2022



Marami ang hindi makapaniwala sa balitang piso (P1) lang ang hininging suweldo ni Direk Paul Soriano kada taon para sa kanyang posisyon ngayon bilang Presidential Adviser for Creative Communications.


Sa Malacañang Palace mismo siya nag-take oath at kasama niya ang kanyang wifey na si Toni Gonzaga at anak na si Seve.


Marami ang nagtatanong kung bakit piso lang ang hininging suweldo ni Direk Paul para sa kanyang posisyon. Hindi raw ba kailangan ni Direk Soriano ang pera gayung may pamilya siyang dapat na itaguyod?


Well, hindi na dapat pagtakhan kung piso lang ang hininging suweldo ni Direk Paul.


Mayaman ang kanilang angkan. Kayang-kaya niyang buhayin ang kanyang pamilya at bigyan ng magandang future. Besides, may sarili siyang movie outfit at nakapag-produce na ng mga pelikula.


Naging ninong nila sa kasal noon si P-BBM bago pa ito naging pangulo kaya sinuportahan nila ni Toni nang kumandidato last elections. At si First Lady Liza Araneta ay kamag-anak ni Direk Paul Soriano.


Ngayong miyembro na siya ng gabinete ni P-BBM, sa tingin namin ay magiging asset siya sa pangulo at hindi isang liability.


Direk Paul Soriano is a hardworking man. Maaasahan na siya ay magtatrabaho at gagampanan ang kanyang tungkulin. Hindi rin si Direk Paul ang tipo na agad lalaki ang ulo at magyayabang ngayong cabinet member na siya.


Nagtataka lang kami kung bakit may ilang netizens ang agad na binibigyan ng ibang kahulugan ang one peso na suweldo ni Direk Paul Soriano. Sinsero naman siya at gustong makatulong kay P-BBM sa abot ng kanyang makakaya.


Ang problema lang ngayon ay hindi na siya makakagawa ng pelikula dahil magiging abala na siya sa posisyon na ibinigay sa kanya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page