top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Presidential adviser ni P-BBM, 'di ma-take…NETIZENS: KAHIT P1 SUWELDO NI DIREK PAUL, SAYANG LANG!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 19, 2022



Binisita namin ang Instagram account ng Shopee Philippines to check kung totoo ang tsika ng mga bashers ni Toni Gonzaga na inalis siyang endorser ng online shopping app dahil natakot daw ang Shopee sa backlash ng mga netizens at para hindi na madagdagan ang nag-a-unsubscribe sa kanila at nag-uninstall ng kanilang app.


Pero, may photo pa rin ni Toni sa IG account ng Shopee, saka, kapipirma lang nito ng kontrata, tapos aalisin agad? Naglabas na rin ng statement ang Shopee kung bakit nila kinuhang endorser si Toni.


Anyway, hindi matanggap ng mga bashers ng mag-asawang Toni at Director Paul Soriano ang pagkakatalaga kay Direk Paul ni President Bongbong Marcos bilang Presidential Adviser for Creative Communications. Ano raw alam ni Direk Paul at ano ang gagawin nito sa Malacañang? Sayang daw ang isusuweldo sa kanya na P1 a year.


May nag-comment pa na baka i-appoint na rin si Toni bilang Social Media Commissioner. Lalong magwawala ang mga bashers ng mag-asawa ‘pag nangyari ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page