top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Present sa graduation ng anak… RAYMART, 'DI INALALAYAN SI CLAUDINE SA PAG-AKYAT AT PAGBABA SA STAGE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 31, 2023



Gumradweyt na ang anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Sabina.


Parehong dumalo ang naghiwalay na mag-asawa sa graduation ng anak kaya't todo-pasasalamat si Sabina sa kanyang mga magulang na inilabas nito sa kanyang Instagram Story.


Bukod kina Raymart at Claudine, pinasalamatan din ni Sabina ang kanyang yaya na itinuturing niyang pangalawang ina.


Ani Sab: "Thank you to my parents for always being there to guide me and Yaya Ging for being a second mom to me! I love you, parents and Yaya Ging!"


Sa ipinost na video clip ni Claudine sa kanyang IG, makikitang sinamahan nila ni Raymart na umakyat sa stage si Sabina.


Umani agad ng iba't ibang komento mula sa mga netizens ang muling pagsasama ng dating mag-asawa.


Napansin ng netizen ang hindi pag-alalay ni Raymart kay Claudine sa pag-akyat at pagbaba nila sa stage kahit na magkasabay silang naglalakad.


"Sana man lang po ay inalalayan sa pag-akyat si Ms. Claudine ng ex-hubby niya. But still, kudos to her for being sport!"


Ayon pa nga sa isang netizen ay hindi raw gentleman si Raymart.


"Hindi gentleman si Raymart, 'no? Kahit alalayan man lang sana niya sa pag-akyat sa hagdan si Claudine."


Anyway, ang mahalaga naman ay parehong present sina Claudine at Raymart sa graduation ng kanilang anak na si Sabina.


At kahit nga hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dating mag-asawa noon ay never naman nating nabalitaan na siniraan ni Claudine si Raymart sa kanilang mga anak.


Nakakatuwa ring malamang 'civil' na pala ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon at wala nang bangayan pa sa social media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page