top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Prayoridad ng gobyerno ang mga Chinese, kawawa ang mga negosyanteng Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 24, 2021



Pinutakte ng kritiko si P-Digong.


Tulad sa kuyog ng putakte, wala siyang puwedeng gawin, kundi ang tumakbo at magmura.


Walang duda, makakagat siya at mamaga ang kanyang mukha!


◘◘◘


ABOGADO ang ating pangulo kaya palagi nating maririnig ang mga salitang, “Walang illegal sa transaksiyong ‘yan”.


“Legal na mga negosyanteng ‘yan,” ang bukambibig niya bilang depensa sa mga kaibigan!


◘◘◘


MARAMI ang nagtatanong kung alin ang mahalaga?


Ang mapanatiling mataas ang moralidad ng ating mga opisyal o manatiling nasa legal pero immoral?


◘◘◘


MAGKAIBA ang legal sa immoral.


Sa lahat ng Konstitusyon, ang moralidad ay kinikilala rin batas bilang “unwritten laws”!


◘◘◘


ANG human rights at survival instinct action ay halimbawa ng unwritten laws na iginagalang sa jurisprudence.


Ang tradisyon, moralidad at maging religious doctrine ay bahagi rin ng umiiral na batas ng tao!


◘◘◘


SA kaso ng DOH at Pharmally, marahil ay marami silang puwedeng gamiting palusot sa legalidad na kanilang ginawa.


Pero, paano naman ang kanilang “moral obligation” na ingatan ang pera ng bayan at iprayoridad ang sariling atin?


◘◘◘


SAMPAL sa mga Pilipino na pilit ipinagtatanggol ng Pangulo ang interes ng China.


Idinidipensa ni P-Digong ang isyu sa West Philippine Sea.


Ipinagtatanggol din ng pangulo ang mga dugong Tsino na nagnenegosyo sa Pilipinas!


◘◘◘


PRAYORIDAD ng gobyerno ang negosyanteng Tsino sa mga transaksiyon sa COVID, tulad sa Pharmally.


Nagdududa ang taumbayan na tumulong ang mga negosyanteng ito sa panahon ng kampanyahan!


◘◘◘


KAAWA-AWA ang mga negosyanteng Pinoy na walang koneksiyon sa Malacañang.


Hindi prayoridad sa subasta ang kalidad, mababang presyo at gawang-Pinoy!


◘◘◘


KUNG lehitimo at moral ang multi-bilyong pisong transaksiyon sa Pharmally, kapag pala naging pangulo ang iba pang kandidato ay puwede itong gayahin.


Meaning, matibay na precedent sa “lehitimong korupsiyon” ang Pharmally scheme!


◘◘◘


ISANG malaking dagok kay P-Digong ang transaksiyon sa Pharmally.


Sinong ugok kaya ang backer ng Pharmally?


Isa siyang pahamak kay P-Digong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page