top of page

PRANK VLOG NI IVANA, 3 DAYS LANG, NAKA-11 MILLION VIEWS NA

  • BULGAR
  • Mar 18, 2021
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 18, 2021




Tatlong araw pa lang matapos i-upload ang latest vlog ng sexy actress na si Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel, umani na ito ng more than 11 million views!


Ibang klase kasi ang naisipang gawing prank ni Ivana this time. Ang mga 'biniktima' niya ay mga taong may mabubuting puso na siyang hinanap niya sa mga kalsada sa iba't ibang lugar.


Sa naturang vlog, nagpanggap si Ivana bilang isang pulubi na nanghihingi ng limos para makauwi siya sa Baguio. Ang drama niya ay wala siyang pamasahe, at sinuman ang maaawang magbigay sa kanya, imu-multiply niya sa P1,000 ang ibibigay nito.


Kaya 'yung nilapitan ni Ivana na nagbigay ng piso ay nakatanggap ng P1,000. May mga nagbigay din ng P2 na tumanggap ng P2,000, P5 na binigyan niya ng P5,000, P10 na nakatanggap ng P10,000 at may mga nagbigay din ng P20 na of course, binigyan niya ng P20,000.


Ipinakita pa nga ni Ivana na nagdala siya ng cheque book para kung sakaling may magbibigay ng P1,000 ay game siyang mag-issue ng tseke na worth P1 million!!!


Panalo, 'di ba?!


Sa laki ng kinikita ngayon ni Ivana sa kanyang YouTube Channel, nakakatuwa namang marunong siyang mag-share ng kanyang mga blessings lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Sobrang touched ang mga nilapitan ni Ivana para hingan ng limos at nagbigay naman dahil wala silang kaalam-alam na mabibiyayaan pala ang kabutihan ng kanilang puso sa panahong ang hangad lang nila ay makatulong.


Sobrang nakakatuwa si Ivana Alawi kaya hindi nakapagtataka na sobrang blessed siya ngayon.









Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page