Prangkahan na 'to, Gerald!... BEA, SISING-SISI NA MINSAN LANG NAKIPAGBALIKAN SA EX-BF, NAGKAMALI PA
- BULGAR

- Dec 24, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 24, 2020

Diretsahang sinabi ni Bea Alonzo na minsan lang daw niya ginawa na makipagbalikan sa isang ex-boyfriend, nagkamali pa siya.
Of course, ang malinaw na tinutukoy niya rito ay si Gerald Anderson, although wala naman siyang pangalang sinabi.
Sa YouTube vlog ng celebrity doctor na si Aivee Teo ay natanong kasi si Bea ng “If there’s one ex-boyfriend you would get back with, who would it be?”
Sagot ni Bea, “Dok, to tell you honestly, isang beses lang ako bumalik. Nagkamali pa ‘ko,” sabay-bunghalit ng tawa.
“So, huwag na siguro makipagbalikan. No, 'di ba, close na ‘yung chapter na ‘yun. It’s like rereading the same book all over again, so I might as well just you know, move forward and try to read another book."
Out of the blue ay na-mention din ni Bea ang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo na naging maganda raw ang kanilang relasyon after the breakup.
“My relationship with Zanjoe lasted for 6 years and until now, we’re very good friends and I’m still friends with the family.
“Kung pag-uusapan ay good memories, it has to be with him,” sey ni Bea.
Pinatotohanan naman ito ni Dra. Aivee dahil one time raw na nagkasabay sina Bea at Zanjoe sa kanyang clinic ay pinuntahan pa raw ni Z ang aktres sa room nito at bumati.
Samantala, sa nasabing vlog ay natanong din ang aktres if she’s dating someone now.
“Right now, parang I’m open to dating and also being happy. Na parang life is so short and if there’s anything that I learned from this quarantine and from all these things that has been happening, parang na-realize ko, life is short and that you have to be open to being happy. Parang dapat, ‘di ako mag-suffer.
“Parang if it’s going to happen, it’s going to happen. If it doesn’t happen, I don’t even need to lie,” sagot ni Bea.
Diniretso siya ng tanong ng celebrity doctor kung yes or no ba ang sagot at sagot naman ni Bea, “I’m dating, okay? I’m dating” sabay tawa.
Kung sino ay hindi na niya sinabi, although maingay ang tsika ngayon na nagkakamabutihan sila ni Dominic Roque.





Comments