Prangkahan na, Alden… NADINE, NADALA NA, AYAW NANG MAINLAB ULI SA KA-LOVE TEAM
- BULGAR

- Jun 28
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 28, 2026

Photo: Nadine Lustre - IG
Tahasang sinabi ng aktres na si Nadine Lustre na ayaw na niyang maulit na ma-in love sa kanyang kapareha o leading man.
Sa latest vlog ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila kung saan napag-usapan nila ang kanyang bagong series na Love, Siargao (LS) with Alden Richards, natanong ang aktres kung mai-in love pa ba siya sa kanyang on-screen partner.
“‘Wag na! Alam mo naman ‘yan, nangyari na ‘yan! ‘Wag na nating ulitin!” natatawang sagot ni Nadine.
Of course, ang tinutukoy ng aktres na nangyari sa kanya ay ang naging relasyon nila ng dati niyang ka-love team na si James Reid.
Pero aminado naman siya na talagang hindi rin imposible na magkagustuhan ang isang magkapareha sa trabaho.
Pero kasunod nito ay nagsalita nang tapos si Nadine na hindi na siya magdyodyowa kapag naghiwalay sila ng boyfriend na si Christopher Bariou.
“It’s not impossible naman but I’m very happy with where I’m at and eto talaga, itaga n’yo sa bato, if Chris and I break up, ayoko nang magdyowa,” deklara ni Nadine.
Dagdag pa niya, “Pagod na ‘ko. But really, I told myself that. If this is not the last relationship that I will have, I’m probably going to be single for the rest of my life.”
Pero siyempre, hindi pa rin masasabi ng aktres kung talagang sila na ba ng BF forever. Pero aminado siyang mahihirapan na siyang humanap ng lalaking katulad ni Chris.
“We’ll see pero kasi for now, it’s really my career, Chris, my family, the environment, and the animals.
“I think it’s hard to find someone like Chris. Same mindset, same values, and someone who’s very caring for everything that’s around him.
“Mahirap humanap ng taong makaka-jive ko with everything, na parang in-sync kami. And to me, right now, it’s very important,” sey niya.
MAY panibagong mensahe si Matet de Leon sa kanyang kapatid na si Ian de Leon.
Sa kanyang bagong Facebook (FB) post ay nag-rant ang aktres sa kanyang mga bashers at kasabay nito ay hinamon din niya ang kanyang kuya.
“Kayong mga hinayupak kayo. Parang may ginawa ako sa inyong masama, ah. ‘Pag bumalik sa inyo lahat ng ginagawa n’yo sa akin, walang sisihan, ha? Hahaha!” simula ni Matet.
“Ian, tinatawagan kita. Kung may atraso ako sa ‘yo, paki-comment mo rito. Tag n’yo s’ya. Tapang ko. Wala kasi akong atraso, eh. Dali na, Ian,” mensahe niya sa nakatatandang kapatid.
“Nagkakasala kayong lahat para sa wala. Tuyo tinapa? ‘Yun na ang kaya n’yo? Wala na kasi kayong ibang maibato sa akin. Comment nang comment tungkol sa ugali ko, eh, ‘di naman tayo magkakilala. Ang feeling. Hahaha!” pang-ookray ni Matet sa mga bashers.
“Tandaan ninyo, nakatingin si Lord sa inyo habang nilalait at binababoy ninyo ang walang ginagawa sa inyo.
“Isipin ninyo, nagkakasala kayo, eh, ‘di naman kayo kasama sa issue. At mali ang mga inaakala ninyo. Maraming problema ang bansa, du’n na lang kayo mag-focus,” litanya pa ng aktres.
“Tag ninyo ang enterprise ni Ian dito para makita n’ya. Maraming salamat sa mga matitinong tao na mabuti mag-comment sa amin,” sey pa niya.
“O, try kong ‘di na ipagtanggol ang sarili ko o ang mga kapatid ko, ah. Lalo na sa mga taong ‘di alam ang tunay na nangyari. Tama ang iba, i-focus namin ang energy sa pamilya, trabaho at blessings na bigay ng Diyos sa amin araw-araw.
“Balik na kayo sa buhay ninyo,” mensahe ng aktres sa mga bashers.
Ang hinihintay ng mga netizens ay ang reaksiyon ni Ian de Leon sa comment section, pero hanggang ngayon ay wala pa naman itong komento.





Comments