PRAMIS NI VHONG, BABAWI SIYA SA MISIS PAGLAYA NIYA
ni Nitz Miralles @Bida | April 6, 2023

May pangako si Vhong Navarro sa misis niyang si Tanya Bautista ngayong Holy Week na sinang-ayunan naman ng mga nakabasa dahil sinuportahan siya nito at hindi iniwan sa gitna ng pagsubok na dumating sa buhay niya matapos akusahang ni-rape si Deniece Cornejo.
"Panata ko, hindi lang ngayong Holy Week, 'yung mahalin ko 'yung asawa ko araw-araw.
Malaki ang pagkukulang ko [sa kanya]. Sabi ko nga, paglabas ko ng kulungan, gusto ko 'yung time ko - dati kasi, inuuna ko ang trabaho - siya ang uunahin nang uunahin nang uunahin, kasama ang mga anak ko."
Ang iba pang comment, sinabing masuwerte si Vhong na may Tanya siya sa buhay niya.
May nagsabi namang sana, panindigan ni Vhong ang panata niyang ito at comment pa ng isang netizen, "No need to say it... ACTION."
.





Comments