PRAMIS NI RAYVER KAY JULIE ANNE: NEVER KITANG IIWAN
ni Nitz Miralles @Bida | May 18, 2023

Tiyak na plus pogi points para kay Julie Anne San Jose ang ibinahaging birthday greetings ni Rayver Cruz para sa kanyang ika-29th birthday kahapon, May 17.
Talagang nag-effort si Rayver sa pagpili ng mga larawan nila ni Julie na kanyang ipinost sa Instagram. For sure, sobrang kinilig ang mga JulieVer fans nila rito.
Sabi ni Rayver, "On this day, the love of my life was born. Thank you for the infinite magic we share every single day. Know that I'll always be by your side every step of the way through everything. May you continue to be a blessing not just to me, but to everyone. Happy birthday, my love. Super proud of you always! I love you!!!"
Kinakiligan din ang naging sagot ni Julie kay Rayver na, "Aww! You're the best! Thank you, my love, I love you."
Kaya, ang mga fans ng dalawa, sa sobrang saya, parang sila na rin ang nag-birthday.
Kabilang sa pamilya ni Rayver na bumati kay Julie ay sina Rodjun Cruz, Geneva Cruz at Sunshine Cruz.
Natutuwa ang mga fans na tanggap siya ng pamilya ni Rayver at wish nila, sana ay forever na ang relasyon ng dalawa.





Comments