top of page
Pokwang.jpg

Pramis ni P-Digong na libreng bakuna sa lahat ng mga Pinoy, boladas lang

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 13, 2020



DOKTOR ANG PANLABAN NI JOE BIDEN SA VIRUS, RETIRED GENERALS NAMAN ANG KAY P-DUTERTE—Bagama’t sa January 20, 2021 pa ganap na manunungkulang presidente at bise-presidente ng Amerika sina US (United States) President-elect Joe Biden at US Vice-President-elect Kamala Harris ay pumili na sila ng 13 doktor na mangangasiwa sa binuo nilang COVID-19 Advisory Board para labanan ang pananalasa ng coronavirus sa Tate.


‘Yan ang tamang diskarte, health experts ang italagang mamuno sa COVID-19, ang masaklap sa Pilipinas, porke ang isyu ay paglaban sa virus, feeling giyera si P-Duterte kaya retired generals ang itinalaga niyang mamumuno sa pakikidigma sa coronavirus, boom!

◘◘◘


MIDDLE CLASS CITIZENS, DAPAT LIBRE ANG BAKUNA—Ayon kay P-Duterte, hindi

sagot ng gobyerno ang gastos sa bakuna ng mga Pinoy sa sektor ng mayayaman at middle class citizens, dahil ang inilaang budget lang daw ng kanyang pamahalaan ay libreng bakuna sa mga maralita, health workers, pulis at sundalo.


Sa mayayaman, may kakayanan talaga ang mga ‘yan na gumastos sa kanilang pambakuna, pero ang mga middle class, karamihan d’yan ay nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan, kaya’t sana ay ilibre na rin ang kanilang pambakuna, period!

◘◘◘

PABIDA LANG PALA NI P-DUTERTE NA LIBRE ANG BAKUNA SA LAHAT NG PINOY—Kung maninindigan ang Duterte gov’t. na hindi sasagutin ang gastos sa pambakuna ng mga middle class citizens, eh, isa lang ang ibig sabihin niyan.


Pabida lang pala ni P-Duterte ang sinabi niyang sagot ng gobyerno ang gastos pambili sa bakuna ng mga Pinoy, boom!

◘◘◘

PORK BARREL NG MGA CONG., SOBRA-SOBRA NANG PAMBILI NG BAKUNA PARA

SA MGA PILIPINO—Sa totoo lang, kaya namang sagutin ng pamahalaan ang gastos sa bakuna mula sa middle class citizens, maralita, health workers, sundalo at pulis.


Tanggalin lang ni P-Duterte ang bilyun-bilyong pork barrel na isiningit ng mga

kongresista sa 2021 national budget, sobra-sobra nang pambili ng bakuna ‘yan para sa mga Pilipino, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page