top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

OWWA, NAGPRAMIS NG 20 BLOCK SCREENINGS SA MOVIE NINA VILMA AT BOYET

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 28, 2023


Marami ang excited ngayon sa grand reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang When I Met You In Tokyo na pumasok sa darating na MMFF 2023. Ito bale ang ika-25 movie nila na magkatambal sa pelikula.


Unang nagkapareha sina Vilma Santos at Boyet de Leon sa pelikulang Tag-ulan sa Tag-araw na idinirek ni CelsoAd Castillo. Ang huli naman nilang pagsasama ay sa Mano Po 3 movie ng Regal Films.


Kaya naman nagbubunyi ang lahat ng Vilmanians at maging ang mga loyal fans ni Boyet dahil muli nilang mapapanood sa big screen ang kanilang idolong tambalan.


Simpleng love story lang ang When I Met You In Tokyo pero akmang-akma sa edad ngayon nina Vilma at Boyet. Ang kilig ng kanilang tambalan ay nandu’n pa rin, pero napapanahon ang kuwento dahil pareho silang OFW sa Japan. Kaya, maraming OFWs ang tiyak na makaka-relate sa kanilang kuwento.


Bagama’t maraming hirap ang pinagdaanan ng JG Productions, Inc. na producer ng When I Met You In Tokyo, ganu’n din ang buong staff and crew ng movie, nagawa naman nilang tapusin ang pelikula. Lahat ay sama-sama at nagtutulungan sa set.


Sobrang na-excite ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa When I Met You In Tokyo kaya all-out ang gagawin niyang pagpo-promote sa reunion movie nila ni Boyet de Leon.


Samantala, nasaksihan ni OWWA Admin Arnelli Ignacio ang ilang eksena sa When I Met You In Tokyo at gandang-ganda siya sa movie kaya nangako ang ahensiya na mag-i-sponsor ng 20 block screenings abroad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page