Pramis ng mga kandidato, ‘wag sanang mapako
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 30, 2021
SURIIN KUNG KAYANG GAWIN NG KANDIDATO ANG KANYANG PRAMIS—Habang papalapit ang halalang 2022 ay parami nang parami ang mga ipinapangako ng mga kandidato na gagawin nila kapag nailuklok sila sa poder.
Sana maging mapanuri ang mga botante kung tutuparin ng kandidato ang kanilang pramis kasi baka maulit ‘yung nangyari last 2016 election, na ang nagpanalo kay P-Duterte ay ‘yung dami ng kanyang ipinangako, pero nang manalo na ay sasabihing joke lang ang kanyang campaign promise, boom!
◘◘◘
HINDI MAKA-MOVE ON ANG DDS, TULOY ANG ATAKE SA MGA ABS-CBN—Hindi lang sina Angel Locsin at Kris Aquino ang nakatikim ng pamba-bash ng DDS, kundi pati ang pagbibigay-tulong ng ABS-CBN.
Ayon sa DDS bashers, hindi dapat ipiname-media pa ang pagtulong.
Talaga ‘tong mga DDS hindi maka-move on sa ABS-CBN kaya tuloy pa rin pag-atake nila sa ABS-CBN, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
INSTALLMENT NA TULONG NG DUTERTE GOV'T. ANG DAPAT I-BASH—Sa totoo lang, hindi sina Angel, Kris at ABS-CBN ang dapat i-bash, kundi ang Duterte gov’t. dahil ginawa nitong installment ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo, na ‘yung pangakong P10 bilyon na financial assistance ay P1-B muna ang ibinigay at “to follow” na lang ang P9-B, period!





Comments