Pramis na pagdye-jetski ni P-Dig0ng sa WPS, joke lang!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 12, 2021
HINANGAAN SI P-DUTERTE DAHIL IPAGLALABAN DAW NIYA PILIPINAS SA CHINA, 'YUN PALA JOKE LANG 'YUN--Noong 2016 presidential election ay hinangaan ng mga Pilipino si P-Duterte sa kanyang campaign promise na magdye-jetski siya patungong Spratly Islands para itirik ang Philippine flag at ipamukha sa China na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS), pero ngayon ay inamin na ng pangulo na joke lang ang sinabi niya at parte lang daw yun ng kanyang pangangampanya.
At ang masaklap, sinabihan pa ni P-Duterte na estupido raw ang mga naniwala sa kanya, boom!
◘◘◘
DATI SA CHINA GALIT SI SEC. LOCSIN, NGAYON KINA CARPIO AT DEL ROSARIO NA--Dati ay galit na galit si DFA Sec. Teddyboy Locsin sa China, na humantong pa para murahin niya ito dahil sa pananakop sa West PH Sea, pero mula nang sabihin ni P-Duterte na dapat respetuhin ang China, nag-iba na ihip ng hangin kasi hindi na siya sa China galit, kundi kina Carpio at dating DFA Sec. Albert del Rosario na kabilang sa team Philippines na nagpanalo ng kaso laban sa China sa West PH Sea.
Isa lang naman dahilan kaya nag-iba tono ni Locsin, at ito ay takot siyang masibak sa puwesto, period!
◘◘◘
BUSOG SA 'PORK' ANG MGA CONG. KAYA MALABONG MA-IMPEACH SI P-DUTERTE--Sabi ni ret. Justice Antonio Carpio ay impeachable raw ang pagkiling ni P-Duterte sa China sa isyu ng West PH Sea dahil malinaw na betrayal of public trust ito.
May punto si Carpio sa kanyang sinabi, pero ang problema, malabong i-impeach ng mga pro-Duterte congressmen si P-Duterte kasi sa panahon ng administrasyong Duterte ay busog na busog sila sa pork barrel, boom!
◘◘◘
KAPAG MAY KUMASA, BAKA MATULAD DIN KAY P-DUTERTE SINA ROQUE AT PANELO NA UMATRAS SA HAMONG DEBATE--Dapat tantanan na nina Roque at Presidential Legal Counsel Salvador Panalo ang kahahamon ng debate kina Carpio at Del Rosario tungkol sa isyu ng West PH Sea kasi kapag kinasahan sila ay baka tularan lang nila si P-Duterte na umatras sa hamong debate sa dating mahistrado.
Sa totoo lang kasi ay baka walang maisagot sina Roque at Panelo kapag natanong na sila kung bakit hindi nagpapakita nang galit ang pamgulo ng Pilipinas sa pananakop ng China sa West PH Sea, period!





Comments