Pramis na magdye-jetski sa WPS, nakalimutan na ni P-Digong
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 05, 2021
IMBES NA IPAGLABAN ANG PILIPINAS, MINUMURA AT PINAGBABANTAAN PANG SUSUNTUKIN NI P-DUTERTE ANG MGA NAGPANALO NG KASO VS. CHINA—Noong Abril 2012 ay nagkaroon ng standoff ang Philippine Navy (PN) at puwersa ng China dahil sa paghuli ng PN sa mga Chinese na nangisda sa dagat ng Pilipinas, at para maiwasan ang gulo, nakipag-usap ang DFA sa counterpart nito sa China, at nagkaroon din ng mga backdoor channel negotiators na kinabibilangan ni dating navy officer, Sen. Antonio Trillanes. Pero walang nangyari at dahil d’yan ay umeksena na ang Amerika, namagitan hanggang sa magkasundo ang magkabilang-panig na lisanin ang Scarborough shoal, kaya lang hindi tumupad ang China, hindi ito umalis kaya nagsampa na ang Pilipinas ng kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) para kung sakaling manalo ay may rason na humingi ng tulong sa UN na paalisin sa West PH Sea ang puwersa ng China.
Ito na siste, nang ilabas ng PCA ang desisyong nanalo sa kaso ang Pilipinas ay sa termino na ni P-Duterte ay imbes na ipaglaban ng pangulo ang pagkapanalo ng Pilipinas, pinuputakti niya ng mura at pinagbabantaan pang susuntukin ang mga dating opisyal ng pamahalaan na nagpanalo sa kaso sa PCA. Boom!
◘◘◘
NALIMUTAN NA PALA NI P-DUTERTE ANG PRAMIS NA MAGDYE-JETSKI SIYA SA WEST PH SEA—Sabi ni P-Duterte, wala raw siyang ipinangakong kapag naging pangulo siya ay ipaglalaban niyang bawiin ang West PH Sea sa China.
Naging malilimutin na pala si P-Duterte kasi nalimutan niya an kanyang pramis noong 2016 presidential campaign period na magdye-jetski siya patungong Spratly Islands para ipamukha sa China na pag-aari ng Pilipinas ang West PH Sea, period!
◘◘◘
MALAMANG AY SAKIT-ULO NA NAMAN ANG MGA KAPITAN KASI SABI NI P-DUTERTE NA ANG MGA NAGUGUTOM AY MAGPUNTA LANG SA MGA BGY. CHIARMAN—Sa kanyang public address ay sinabi ni P-Duterte na dapat iwasan ng mamamayan na magtungo sa community pantry kasi baka magkahawaan lang ng virus, at nanawagan siyang manatili na lang sa bahay at kung may nais hinging tulong ay magpunta lang sa kanilang barangay chairman dahil handang magbigay ang gobyerno,
Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte ay malamang sakit ulo na naman ang mga kapitan kasi baka dagsain sila ng kanilang mga kabarangay para hingan ng ayuda, boom!
◘◘◘
PARANG IBINIDA PA NI SINAS NA PAGSU-ZUMBA ANG INATUPAG NIYA SA PANAHONG SIYA ANG PNP CHIEF—Sa May 8, 2021 ay retirado na si PNP Chief Gen. Debold Sinas, at isa sa kanyang ibinida ay bumaba na raw ang kanyang timbang.
Kumbaga, parang ipinagmalaki pa niya na sa panahong siya ang PNP chief ay pagsu-zumba lang ang kanyang inaatupag kaya malaki ang ibinaba ng kanyang timbang, buwisit!





Comments