top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis na hazard pay at special risk allowance sa mga health workers, boladas lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 23, 2020



NAPAKONG PANGAKO NINA P-DUTERTE AT SEC. DUQUE SA MGA HEALTH WORKERS—Bilang pampalakas ng loob sa paglaban kontra COVID-19 ay pinangakuan nina P-Duterte at Health Sec. Francisco Duque ng hazard pay at special risk allowance ang mga health workers, pero ang masaklap, ang mga promise na ito ay pabida lang pala ng Pangulo at ng head ng DOH.

Bigla kasing nagprotesta ang mga health workers, at nanawagan sa Duterte gov’t. na ibigay na sa kanila ang pangakong hazard pay at special risk allowance na hanggang ngayon ay hindi pa raw nila natatanggap.

‘Yan ang hirap sa Duterte gov’t., ang dalas na ang mga pangako ay napapako, buwisit!


◘◘◘


DOBLADONG KABA NG HEALTH WORKERS, KABA SA COVID-19 AT KABANG BAKA WALA NA NAMAN SUWELDUHIN—Hindi lang hazard pay at special risk allowance ang pinuproblema ng mga health workers, kundi pati ang buwanan nilang sahod na delay na raw ng higit dalawang buwan.

Dahil delay ang kanilang suweldo, dalawa na ang nararamdamang kaba ng mga health workers, kaba na baka mahawaan sila ng virus sa mga may COVID-19 na kanilang ginagamot, at kaba na pagdating ng katapusan ng buwan ay wala na naman silang matanggap na sahod, boom!


◘◘◘


MAPANGUTYANG DEPED—Nakatikim na naman ng batikos sa publiko ang Department of Education (DepEd) dahil sa module nitong may nakaguhit na isang pamilya ng magsasaka na nakasuot ng gula-gulanit na damit, pantalon at short pants.

D’yan makikita na ang DepEd ngayon sa ilalim ng pamamahala ni Sec. Leonor Briones ay mapangutya kasi noong nakaraan, ang katabaan ni Angel Locsin ang kinutya sa module na ibinigay sa mga batang mag-aaral, at ngayon naman, ang pamilyang magsasaka ang kinukutya, buwisit!


◘◘◘


KUNG WALA PANG NAMATAY SA BAHA, “NGANGA” LANG ANG DILG SA MGA ILLEGAL LOGGERS—Dahil sa naranasang lampas taong-baha sa iba't ibang lalawigan sa Luzon dulot ng magkasunod na typhoon "Rolly" at typhoon "Ulysses" ay iniutos na ni DILG Sec. Eduardo Año sa kapulisan na dakpin ang mga illegal loggers.

Hay naku, kung wala pang namatay sa baha, "nganga" lang ang DILG sa mga illegal loggers, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page