Pramis, 'di raw si AJ… SIGAW NI KYLIE: DAHILAN NG HIWALAYAN NAMIN NI ALJUR, 'DI KO SASABIHIN
ni Nitz Miralles @Bida | February 28, 2023

Muling nakiusap si Kylie Padilla na tigilan na ang pamba-bash kay AJ Raval sa video na nai-share ng social media personality na si Senyora. Inulit ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.
“Guys, tapos na ang kuwento, kung meron mang magtanong sa akin, last na ‘yun. Happy na ako.
I am really happy. Sana, ang tungkol sa trabaho ko ang nababasa ko sa mga tabloids kasi I’m working so hard. Tigilan na po natin, naiiyak ako, hindi siya, si AJ, she’s not lying, hindi talaga siya at hindi ko rin sasabihin kung sino,” patuloy ni Kylie.
Samantala, kahapon, bago ang world premiere ng Mga Lihim ni Urduja, makikitang nag-bonding sina Kylie at amang si Sen. Robin Padilla sa firing. Paghahanda ito sa more action scenes na mangyayari sa mystical megaserye ng GMA-7 sa directions nina Jorron Monroy at Dominic Zapata.





Comments