top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pramis, 'di raw niya kilala… ALJUR, UMAMING 'DI OKAY SA KANYA ANG BAGONG PARTNER NI KYLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2023
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 2, 2023





Finally, sa gitna ng mga kontrobersiyang pinagdaraanan niya ngayon, magiliw kaming pinagbigyan ng "man of the hour" na si Aljur Abrenica para makapanayam siya sa ginanap na grand launching ng Gutierez Celebrities and Media Production noong Martes nang gabi sa SM Skydome.


Ang Gutierez Celebrities and Media Production ay isang bagong tatag na kumpanya na hahawak ng mga celebrities at social media influencers at maghahatid sa mga manonood ng mga high quality shows.


Kabilang din sa mga serbisyong hatid nila ang film and event productions, training and workshops.


Isa sa mga proyektong nagawa nila ay ang first horror movie na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Ritz Azul na mula sa direction ni Topel Lee, ang Jeongbu.


Ayon kay Aljur, thankful siya na sa kabila ng pandemya, naka-survive siya at hindi nawalan ng career.


Sa kabila ng mga nangyari sa kanyang pamilya, partikular na sa pagsasama nila ni Kylie Padilla, happy daw siya na okay na uli sila ngayon at wala naman nang isyung dapat pag-usapan.


In fact, ang mga tao at media lang daw kasi ang "nagpa-fantasize" kaya nagkakaroon ng mga isyu na hindi naman daw dapat bigyan ng oras at atensiyon.


"And I just wanna let you know guys, we're all doing our best para sa ikabubuti ng bawat isa para sa pamilya… Ako, I don’t know, I’m just responsible. Responsibility ko sa kanila, it's on me, tapos sa mga nangyayari ngayon sa mga tao… spare na, nakikiusap ako na tama na, kasi it's not helping us anymore. Not just us, even kayo, hindi na rin nakakatulong 'yan. May natutunan na kayo, eh, may natutunan na kayo sa mga nangyari, may nagkaaminan na, nagkasala na, pero ngayon, nagpa-fantasize na lang, eh," pakiusap ni Aljur para tantanan na raw ang pagpipiyesta sa mga nangyayari sa buhay nila.


Kinumusta rin namin ang love life ngayon ni Aljur lalo't just last Valentine's Day ay ipinagsigawan nga ni AJ na: “I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally” at itinag pa si Aljur sa kanyang Instagram post.


Napangiti lang si Aljur at ang sagot, "Talaga? 'Di ko alam 'yan. Sige, titingnan ko muna ang post na 'yan bago ako sumagot."


Tinanong din namin si Aljur kung ready na ba siya ngayong ilantad ang relasyon nila ni AJ since mukhang pareho naman sila ni Kylie na naka-move on na.


"Lahat naman naka-move on na. Kami ni Kylie, constant communication naman na kami, hindi naman nawala 'yun. Para sa mga bata, we have choices naman, eh. Everything, we choose the right path, we did our best. I know I'm doing my best and she’s doing her best para sa mga bata," sagot niya.


Ano namang napi-feel niya ngayong naba-bash si AJ sa pag-amin sa relasyon nila?


"Kasi ako, nu'ng pumasok ako sa industriya, I think everyone is going through that. Lahat naman tayo, dumadaan d'yan. Saka sa tanda n'yo na sa industriya, ang dami n'yo nang pinagdaanang artista, ‘di ba po?" natatawang sagot ni Aljur.


But kidding aside raw, nasabi na niya kay AJ ang tungkol sa mga bashers na parte na ng trabaho nila.


"Nasabi ko na sa kanya 'yan. Sabi ko, 'Artista tayo, nasa Pilipinas, ganyan talaga ang buhay natin.


Tanggapin natin…' Maganda, 'di niya ako kinokontra doon and maganda… maganda," ani Aljur.



Kaya biniro namin siyang submissive girlfriend pala si AJ at sagot niya, "Ah, talaga?!"


Samantala, kinumpirma rin ni Aljur na okay ang co-parenting nila ni Kylie sa dalawang anak nilang sina Alas at Axl.


Pero sa tanong namin kung okay na rin ba sa kanya na may bago na ring partner ngayon si Kylie, aniya, "On that part, 'di ako makapag-comment kasi 'di ko (alam)."


When asked kung happy siya for Kylie, aniya, kahit 'di naman daw sila nagkatuluyan, wala siyang bitterness.


"We always with the best for them, so that's true love," sabi pa ni Aljur.


At dahil may mga anak sila ni Kylie, dapat ba ay ma-meet din niya ang partner ngayon ng estranged wife?


"On that part, I just want to know kung sino talaga siya, what he's doing sa personal na buhay niya. Siyempre, hindi naman puwedeng makasama siya na 'di ko naman siya personal na kilala.


"'Di ko alam kung ano'ng trabaho niya, kung ano'ng pinaggagagawa niya.


"'Di ko siya kilala, 'yun lang ang wino-worry ko ngayon," dire-diretsong sagot ni Aljur.


Okay lang ba sa kanya na makasama ng mga anak niya ang bagong partner ni Kylie?


"'Di siya okay sa akin, sa totoo lang, kasi 'di ko siya kilala, eh. 'Di ko alam ang pagkatao niya, ang personalidad niya, so sasabihin ko na, hindi ako okay du'n," prangkang sagot ng aktor.


At siyempre, hindi na rin namin pinalagpas na itanong kay Aljur kung totoo bang may anak na sila ni AJ tulad ng mga kumakalat.


Although hindi na namin nai-video ang sagot niya sa amin, tiniyak naman niyang nagsasabi siya nang totoo nang sabihin niyang "Hindi totoo!"


So, panghahawakan namin ang sinabing 'yan ni Aljur Abrenica.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page