ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 13, 2024
Zero pa rin ang estado ng love life ni Piolo Pascual ngayon. Nagbiro pa ang aktor na ayaw daw niyang mapasama sa bilang ng mga showbiz couples na naghihiwalay.
Nakapanayam ni Ogie Diaz si Papa P. para sa kanyang vlog at naitanong niya sa aktor kung wala ba itong balak na magpatira ng iba sa napakalaki nitong bahay.
“Someday. Huwag tayong magmadali. Ang dami mo pang ibabalitang naghihiwalay, isasama mo pa ako,” ani Piolo sabay-tawa.
Dagdag pa niya, “Baka mapabilang tayo ru'n, mahirap na.”
Sa ngayon ay nasanay na raw siya na mag-isa at nag-e-enjoy naman siya bilang single.
Paliwanag niya, “Nasanay na talaga ako. I value my time. I guess, times have changed, you know, you value your single blessedness. ‘Yun ‘yung sinabi ng pastor ko, eh, ‘The more you enjoy it, the more you’re not gonna look for it.' Eh, nag-e-enjoy ako."
Paglilinaw pa ng aktor, “So, it’s not something that I look for. It’s not something that I feel I need. Because sa sarili ko pa lang, kulang na ako ng oras. What more kung ibibigay ko pa ‘yun sa ibang tao?”
Diin ni Piolo, “It’s not being selfish but it’s being practical.”
Comments