Prado at Krog sakalam sa Women's Cycling Criterium
ni MC - @Sports | June 23, 2022

Pinakamalakas sa pedalan si Jermyn Prado habang pakabog ang mga padyak ni Mathilda Krog sa matutulis na ruta sa criterium races ng PhilCycling National Championships for Road 2022 noong Martes.
Si Prado na national team mainstay at dating Southeast Asia queen of cycling ang mga nanguna sa Women Elite field sa criterium race sa bisa ng points format at tuluyang angkinin ang gold medal sa full 20-point performance. “I trained hard for the championships and I really wanted to win this one,” ani Prado, na nanguna sa individual time trial at ikalawa sa massed start (road) noong 2019 Southeast Asian Games na idinaos sa Tagaytay City.
Pinangunahan ni Philippine Olympic Committee at PhilCycling president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbubukas ng national championships na nagbalik matapos ang dalawang taong pandemya kung saan ang start-finish line ay sa harapan ng Praying Hands Monument sa Isaac Tolentino Avenue. “Do your best and aim to become members of the national team,” saad ni Tolentino sa may 600 siklistang nagparehistro para sa kampeonato na mga pagpipiliang bagong miyembro ng PhilCycling national team para sa ikalawang bahagi ng taon.
Naka-silver medal si Ma. Mhay Ann Lina sa 10 points habang bronze si Avegail Rombaon ng Philippine Navy-Standard Insurance sa 8 points ng 16-lap criterium na may nakalaang 5-1-3-2-1 points sa intermediate sprints ng fourth, eighth, 12th at 16th laps.
Gold medalist si Go For Gold’s Boots Ryan Cayubit sa nakuhang double points 20th lap ng 11 points sa Men’s Criterium na inulan pa ang ruta noong Martes. May 10 points si Scratch It!’sJonel Carcueva at si veteran Jan Paul Morales (9 points) nang makumpleto ang podium.
Nag-1-2 finished naman sa 18 points sina 7-Eleven’s Rench Michael Bondoc at Go For Gold’s Jericho Lucero (11) sa Men’s Under 23 category, habang bronze si Chrysler Tadena sa 10 points matapos ang tie break kay Efren Reyes.
Gold, silver at bronze sina Kim Bonilla, Maritanya Krogg at Rosalie de la Cruz sa Women Juniors raced sa four laps, habang sina Angelica Altamirano, Lyca Angel Jacobe at Tricia Mae Laboca ay 1-2-3 sa Women Youth. Habang isinusulat ito kahapon ay idinaraos ang individual time trial races mula Nasugbu, Batangas at magtatapos sa Praying Hands sa Tagaytay City.





Comments