Power couple sa blind item… CARMINA AT ZOREN, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN DAW NILA
- BULGAR

- 35 minutes ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 21, 2026

Photo: IG @zorenlegaspi
Para sa mag-asawang Zoren Legaspi and Carmina Villarroel, no need na mag-react pa sila o magpaliwanag sa kontrobersiyal na blind item na lumabas last January tungkol sa power couple na malapit nang maghiwalay.
Nang lumabas ang nasabing BI (blind item) ay nag-speculate ang mga netizens kung sino ang mag-asawang tinutukoy at isa nga sa mga hula nila ay sina Zoren at Mina.
Sa guesting ng celebrity couple sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong Huwebes ay isa ito sa mga naitanong sa kanila ni King of Talk at sey nila, wala naman daw silang dapat ipag-react kaya tumahimik na lang sila.
“‘Di kami nagsalita, kasi, why? There’s no need to explain things. Since blind item, bakit kailangan kong unahan na ‘di po kami ‘yun, ha?’ We don’t have to explain anything,” sey ni Carmina.
Dagdag pa niya, “We know what’s the truth. We know what’s happening.”
Sey naman ni Zoren, nagulat na lang sila na may ganu’ng balita. Pero sey ni Mina, ang positive side ay nalaman nilang nako-consider pala silang ‘power couple’.
“Wow, power couple pala kami. ‘Yun lang ‘yung magandang naidulot sa amin, ‘Uy, na-consider tayong power couple,’” sambit ng aktres.
Saad pa ni Zoren, “It doesn’t make sense, Tito Boy. Kasi that time, may show kami. So, basically, we’re together every day, you know. So, it doesn’t make sense na kami ‘yung mapipili.”
Pero napatanong din daw siya kung “Ang mga netizens ba ay gustong makita na maghiwalay kami?”
Pero paniniguro ng aktor, “For now, we’re a really, really very strong couple as of now.”
Well, kung hindi sila, sino kaya ang power couple na ito?
Nagpapabenta raw ng P2.1M na relo…
ANJO, MAY SPECIAL SOMEONE NA
SPOTTED kamakailan ang aktor-pulitiko na active TikToker (TT) na ngayon na si Anjo Yllana na bumisita sa showroom ng Maddox Jewelry sa Marikina City.
Ito ay para ibenta sa president and founder ng nasabing jewelry brand na si Miss Charo Cordial ang isang Patek watch na nagkakahalaga ng P2.1 million.
Ayon kay Anjo, may nagpatulong sa kanyang ‘special someone’ na ibenta ang nasabing mamahaling relo.
Na-curious naman si Ms. Cordial kung sino ang tinutukoy ni Anjo, pero kaagad namang nilinaw ng aktor na matagal na siyang single kaya lalong naintriga ang owner ng Maddox kung sino ang mystery person na ito.
Mapapanood sa official YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng Maddox Jewelry ang kabuuan ng kanilang pag-uusap, pati na rin ang detalye ng ibinebentang relo ni Anjo.
Napag-usapan din nila ang tungkol sa mga kontrobersiyal na statements ni Anjo sa kanyang mga kaibigan at kung ano ang naging epekto nito sa kanya.
Sinagot din ng aktor ang napapabalitang tatakbo siyang senador sa susunod na eleksiyon.
Anyway, dahil sa mga exclusive interviews ni Ms. Cordial sa kanyang mga celebrity clients ay patuloy na umaani ng mga followers at subscribers ang social media pages ng Maddox Jewelry, kabilang ang YT, FB, at TT.




Comments