Poste ng Bolts, matibay; Pier sa no. 5; Gins, win o go home?
ni Gerard Arce - @Sports | September 24, 2021

Balanseng opensiba at solidong depensa ang ipinamalas ng Meralco Bolts para talunin ang Barangay Ginebra Kings, 79-66, na inilagay sa mas mahirap na sitwasyon ang defending champion sa isang playoff battle sa Sabado, habang tinambakan ng Northport Batang Pier ang Alaska Aces,122-94, kagabi sa pagtatapos ng elimination round ng PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Ipinoste ng Bolts ang 4 na sunod na panalo para matiyak ang second spot at twice-to-beat advantage sa playoffs laban sa NLEX Road Warriors (5-6). Tumikada ng tig-15 puntos sina Mac Belo at Alvin Pasaol para sa Meralco, habang nasayang ang nagawa ni Stanley Pringle na 19 pts at Christian Standhardinger na may double-double sa 17 pts at 14rebs para sa Gin Kings na bumagsak sa 4-7 kartada sa ikalawang sunod na talo. Nagpakitang gilas si Robert Bolick para sa Batang Pier para sa kauna-unahang triple-double na 22pts, 13 rebounds at 13 assists. Nag-ambag din sa Pier sina Jamie Malonzo sa 21 pts at Paolo Taha (18 pts), na naglaro wala sina Greg Slaughter at team captain Sean Anthony, samantalang nanguna sa Aces si Jeron Teng sa 18pts.
Napagbigyan pa ng pagkakataon ang Gin Kings na lumaro sa isang win-or-go home match sa Sabado laban sa Phoenix Super LPG sa isang playoff battle sa huling pwesto ng q'finals sa No. 8th spot para sa karapatang kalabanin ang No.1 na TNT Tropang Giga. Patuloy na pilay ang Gin Kings matapos hindi makapaglaro ang regular starters na sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson mula sa injuries.
“We talk about winning. Ang importante kase itong panalo namin madadala namin iyung momentum papunta ng quarterfinals. We’re very excited and our mission is not yet done. Start pa lang ito at marami pang dapat gawin. Ang mahalaga is we trusted each other specially sa mga coaches naming,” pahayag ni dating Far Eastern University standout na si Belo na nagtapos sa 7-of-14 shooting.





Comments