top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Posibleng magkaroon ng herd immunity bago mag-Pasko, naks!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 25, 2021



Pumayag na raw si P-Digong na kumandidatong vice-president.


Joke lang po!


◘◘◘


KANINO tatandem si P-Digong?


Maugong na maugong ay isasabak niya sa pagka-pangulo ay ang inuulit na “Bong”.


Kumbaga, Bong sa una, Bongbong sa ikalawa!


◘◘◘


PAANO ‘yan kung vice-president din ang lalabanan ni Sen. Manny Pacquiao?


Ibig sabihin, magsasagupa sa ikalawang puwesto sina Pacquiao at P-Digong?


Napakagandang laban niyan sa pagka-vice-president!


◘◘◘


KUNG isasabak ni P-Digong si Marcos sa pagka-pangulo, makakasagupa nito sina Mayor Isko, VP Leni at Sen. Ping Lacson.


Malalakas din ‘yan!


◘◘◘


HINDI na makakaya pang sirain ng black propaganda si Marcos.


Mahigit nang 50 taon, winawasak ng media si Marcos, pero parehong nagwagi sa Senado ang magkapatid na BBM at Madame Imee.


◘◘◘


LAHAT na ng klase ng paninira ay natanggap ng Pamilya Marcos.


Taliwas kina Erap, GMA, Enrile, Jinggoy at Revilla, walang isa mang nakulong sa Pamilya Marcos!


◘◘◘


PLATAPORMA na ang pag-uusapan sa 2022 elections.


Mahalagang maglatag ng malinaw na plataporma ang bawat kandidato!


◘◘◘


SI Marcos lang ang may malinaw na plataporma.


Itutuloy lang ng batang Marcos ang 11 industrial projects ni dating Pangulong Marcos!


◘◘◘


ILALATAG lang ni Marcos ang estilo ng kanyang ina sa pagtukoy ng prayoridad.

Ito ay ang pagtutok sa 11 basic needs.


Water (1); Power (2); Shelter (3); Mobility (4); Environment (5); Health (6); Food (7); Livelihood (8); Agriculture (9); Education (10); Energy (11).


◘◘◘


DAPAT magsama rin sa iisang tiket sina VP Leni at Mayor Isko.


Kapag nagkaganyan, umaatikabo talaga ang 2022 elections!


◘◘◘


KAILANGAN naman ni Lacson ang malakas na katambal kung ayaw niyang mapagbintangan “pera-pera” lang.


Pero, paano sina ex-Speaker Alan Peter Cayetano at Meyor Sara—saan sila pupulutin?


◘◘◘


AABOT daw sa 100 milyong doses ng COVID -19vaccines ang babaha sa Pilipinas bago matapos ang taon.


Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng herd immunity bago mag-Pasko!


◘◘◘


KAPAG nagbalik sa normal, hahabulin naman sa hukuman ang dabarkads ni DOH Secretary Francisco Duque dahil sa kaliwa’t kanang alingasngas.


Walang perpektong tao, dapat maunawaan ni Duque na hindi niyang puwedeng iabsuwelto ang kanyang mga subordinates.


Hindi naman siya huwes, siya ay doktor!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page