top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Porter, De Rozan at Lillard, bida sa NBA Pinoy Heritage Night

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 26, 2022



Napili ni Jalen Green at ng Houston Rockets na itapat ang unang panalo sa paggunita ng NBNA Filipino Heritage Night at tinalo ang bisitang si Jordan Clarkson ng Utah Jazz, 114-108, sa Toyota Center kahapon.


Sa gitna ng selebrasyon, winakasan ng Rockets sa tatlo ang kanilang sunod-sunod na pagkatalo kasabay ng pagtikim ng Jazz ng unang talo matapos simulan ang torneo sa 3-0. Tinalbugan ni Green ang mas beteranong Clarkson sa kanilang bantayan at nagtapos na may 25 puntos kumpara sa 17 ng pambato ng Gilas Pilipinas. Nanguna sa atake ng Houston si Kevin Porter Jr. na may 26 puntos at 10 rebound.


Tulad ng mga nakaraang Filipino Heritage Night, itinampok ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga sayaw at awit. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga tagahanga na makasalamuha si Green pagkatapos ng laro at namigay ng uniporme ng Rockets na may halong disenyong Pinoy.


Hindi rin naging maganda ang gabi para sa isa pang dating walang talong Boston Celtics at tinambakan sila ng Chicago Bulls, 120-102. Gumana ng husto ang laro nina DeMar DeRozan na may 25 puntos at Nikola Vucevic na may 18 puntos.


Dahil sa mga naunang resulta, ang Portland Trail Blazers ang unang koponan na umakyat sa 4-0 sa bisa ng kanilang 135-110 pagdurog sa bisitang Denver Nuggets. Namuno si Damian Lillard na may 31 puntos. Nakatikim sa wakas ng unang tagumpay ang Philadelphia 76ers sa Indiana Pacers, 120-92, matapos ang tatlong talo. Sabay uminit ang mga kamay nina Ja Morant at Desmond Bane at pareho silang nagsumite ng tig-38 puntos upang mabigo ang bisitang Brooklyn Nets, 134-124. Nakabawi ang bisitang Toronto Raptors sa talo nila noong isang araw sa Miami Heat, 98-90. Wala pa ring panalo ang Orlando Magic sa apat na laro at nanaig ang New York Knicks, 115-102.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page