“Pork barrel” ng mga cong., mas malaki pa kaysa sa budget para sa bakuna kontra COVID-19?!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 26, 2020
P2.5-B LANG ANG PAMBILI NG BAKUNA PARA SA SAGIP-BUHAY NG MAMAMAYAN PERO ANG MGA CONG. MAY P396-B “PORK”—Sa P4.5 trillion national budget next year, nasilip ni Sen. Panfilo Lacson ang higit P396 bilyon “lum sum appropriation” ng mga kongresista na isiningit sa budget ng Department of Public Works and Highways para pang-“project” nila sa kanilang distrito, at sa isyu naman ng budget pambili ng bakuna kontra sa COVID-19 ay P2.5-B lang inaprub ng Kongreso, kaya’t hirit ng Department of Health dagdagan pa ito ng P10-B para mas marami ang mabakunahan.
Grabe naman ang mga cong., mas malaki pa pork barrel, este, pang-“projects” nila, kaysa budget pambakuna sa mga Pinoy, buwisit!
◘◘◘
P19-B BUDGET NG NTF-ELCAC, I-DIVERT PAMBILI NG BAKUNANG KONTRA COVID-19—Shocking ang publiko nang mabalitang P19 bilyon ang hinihinging budget next year ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) gayung ang nakikita lang naman ng taumbayan na ginagawa ng nito ay mag-red-tagging at magkabit ng tarpaulin laban sa mga komunista.
Sana sa intel fund na lang ni P-Duterte kunin ang budget ng NTF-ELCAC at ang hinihingi nitong P19 bilyon budget next year ay ilaan na lang ng Senado na pambili ng bakuna kontra COVID-19 para mas maraming Pilipino ang mabakunahan, period!
◘◘◘
AKALA NG PUBLIKO PALABAN SI GRECO, TIKLOP PALA SA MGA CONG.—Ibinulgar ni PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) Comm. Greco Belgica na may iniimbestigahan daw silang mga korup na kongresista, pero nang hamunin ito ni Kalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na pangalanan ang mga tiwaling cong., ayaw namang pangalanan.
Akala ng publiko, totoong palaban si Greco, eh, nang may maghamon, tiklop. Boom!
◘◘◘
KAPAG HINDI PINANGALANAN, MANANALO ULIT SA ELEKSIYON ANG MGA BUWAYANG CONG.—Tutal, ibinulgar na ni Comm. Belgica na may mga cong. na sangkot sa katiwalian, dapat pangalanan na niya ang mga ito upang ibasura na sila sa darating na 2022 elections.
Kapag hindi sila pinangalanan ni Belgica, malamang, ang mga buwayang cong. ay manalo pa ulit sa eleksiyon, period!





Comments