top of page

Poorest senator, P18.8M lang daw ang yaman, Heart... ISANG RELO PA LANG NI CHIZ, P10.5 M NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 30, 2025



SPECIAL- ISANG RELO PA LANG NI CHIZ, P10.5 M NA!_IG _escuderochiz

Photo: IG _escuderochiz



Paborito talagang i-bash at ayaw tantanan ng mga netizens ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.


Kung si Heart ay kinukuwestiyon ang source ng mga ipine-flex na luxury bags, shoes, damit at alahas, si Sen. Chiz naman ay pinagtataasan ng kilay ngayon dahil sa idineklara nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na P18.8M lang ang kanyang net worth, making him as the “poorest senator”.


In fact, ‘yung mga hindi ma-take ang idineklara ni Chiz sa kanyang SALN, naghanap talaga ng maibubutas sa mister ni Heart.


May nag-post nga at nagkalat sa social media ng suot na wristwatch ni Sen. Chiz sa isang ribbon cutting event at pinresyuhan ang naturang relo na Richard Mille ang brand. 


Ayon sa naturang post, aabot sa P10.5 M ang presyo ng relo, eh, isang watch pa lang daw ‘yun, so paano sasabihin ng senador na P18.8M lang ang net worth niya?


Well, abangan natin ang sagot dito ni Sen. Chiz. 

‘Yung Paraiba Tourmaline ring kasi na birthday gift niya kay Heart na sinasabing worth P57M ay nilinaw na ng isang jeweller na nasa P1M mahigit lang daw.



SPEAKING of Heart Evangelista, kahit pa ang daming isyung ibinabato rito, pangarap pa rin daw ng baguhang negosyante sa skin care line na si Ms. Yanna Ong, ang CEO at founder ng Why Not Yans Beauty Trading Incorporation, na makuha ang aktres-fashion icon para maging endorser ng kanyang beauty products.


Idol pala ni Ms. Yanna ang aktres dahil sa pagiging influencer ni Heart na malakas daw ang karisma at marketing strategy kaya halos lahat ng i-endorse nito ay naso-sold-out.


Pero dahil aware naman si Ms. Yanna na super-mahal na ng talent fee ni Heart at dahil nag-i-start pa lang ang kanyang Why Not Yans beauty products, inuna muna niyang kinuhang endorser si Ms. Gerlaine Silva at ang Sultry and Fiery Diva na si Ms. Malu Barry (para sa older market) na parehong present sa ginanap na soft launch last Tuesday night.


Dahil nagpapakilala pa nga lang si Ms. Yanna bilang entrepreneur ng skin care brand, natanong ang background niya at proud na kuwento niya, pang-MMK daw ang buhay niya dahil nag-start siya sa puhunang P60K. 


At bago siya napunta sa skin care products, naging marketing manager muna siya sa construction firm, nagbenta ng bigas at pet supplies at sumubok ding mag-audition sa Star Magic pero hindi natuloy dahil hindi ito suportado ng kanyang parents.


Pero dahil pangarap talaga ni Yanna na yumaman, kahit pinigilan siya ng mga magulang na magtayo ng skin care brand company, itinuloy pa rin niya ito kahit mag-isa lang siya at wala ang mga kapamilya sa soft launch ng Why Not Yans.

Well, ilan sa mga products na ibinida ni Ms. Yanna sa launching ay ang kanyang Kinu Instant Whitening Perfume Lotion, Kinu (no whitecast) Instant Whitening Lotion, Fuko Tinted Sunscreen, Kuchi Velvet Matte Lip Tint, Magic Lip Oil and Lip Gloss at Shizuku Derma Glass Skin set.



After masampulan si Vina… 

GLADYS, GUSTONG SAMPALIN SI MARICEL



KILALA si Gladys Reyes bilang primera kontrabida. At kung sampalan lang din ang usapan sa mga eksena sa serye at pelikula, nangunguna ang pangalan ng aktres na bata pa ay nagsimula na sa showbiz bilang kontrabidang si Clara sa TV series na Mara Clara with Judy Ann Santos.


Kaya naman super excited si Gladys sa pagpo-promote ng musical film nilang Heart of Music dahil for the first time, hindi siya kontrabida kundi bida at kumanta pa siya sa movie kasama ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Seña, Rey “PJ” Abellana, Marissa Sanchez, Jopay Paguia at Joshua Zamora, Angel Guardian, Jon Lucas at marami pang iba.


Sa Spotlight mediacon ng Star Magic kahapon para sa kanyang Heart of Music musical film, tinanong namin si Gladys na sa dinami-dami ng nasampal na niya sa serye at pelikula, sino sa mga senior or veteran stars natin ang pangarap pa niyang sampalin?


Natawa muna si Gladys at napaisip saka inaming ang kanyang “Inay” Maricel Soriano ang pangarap niyang masampal. Nagkasama na raw sila noon sa isang project pero hindi pa niya nagawang masampal ito kaya kung magkakasama silang muli, gusto niya ay may sampalan scene sila, lalo’t pareho raw silang malakas manampal ng Diamond Star.


Natatawa ngang kuwento ni Gladys, sa seryeng Cruz vs. Cruz nila ni Vina Morales, naglambing na rin sa kanya si Vina na maghinay-hinay lang sa pananampal dahil mukhang nasaktan na ang singer-actress sa mga unang sampalan scenes nila.

Ang katwiran naman kasi ni Gladys, gusto niyang totoo ang sampal para totoong emosyon din ang makita mula sa taong sinampal niya at mas maganda nga namang

lalabas ‘yun sa screen, ‘di ba?


Pero ‘yun nga, sa Dec. 10, kakaibang Gladys Reyes muna as Madonna ang mapapanood sa Heart of Music at kahit hindi siya kontrabida rito, mamahalin pa rin ng tao ang kanyang character dahil mapapaiyak pa rin niya ang manonood.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page