top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Polluted na sa basurang impormasyon ang socmed

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 30, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 30, 2021



BABAGUHIN na ng Facebook ang kanilang pangalan.


Aminado silang hindi nila malilinis ang daloy ng impormasyon na karaniwan ay “basura” o fake information!

◘◘◘


MALINAW na dispalinghado ang Facebook.


Wala itong sapat na karanasan tulad sa mainstream media!


◘◘◘


HINDI kailanman mapapalitan ang mainstream media.


Ang problema lang sa mainstream media ay korupsiyon at dispalinghadong editor!

◘◘◘


TRADISYUNAL na sinasala at ini-edit ang impormasyon na inilalabas sa mainstream media.

Pero, walang ganyang iskema at sistema sa social media!


◘◘◘


ANG social media ay polluted sa basurang impormasyon.


Tulad sa nagaganap na kampanyahan, hindi kapani-paniwala ang impormasyong naka-post!

◘◘◘


ANG mga pulitiko ay garapalang pinupuri ang kanilang sarili.


Uupakan naman sila ng kanilang mga kalaban sa pulitika gamit ang malalaswang impormasyon.


Hindi ba’t kababuyan ‘yan sa paglalabas ng impormasyon?


◘◘◘


WALA nang kredibilidad ang Facebook.


Hindi na ito kapani-paniwala!

◘◘◘


NAG-PEAK na ito at wala nang kauuwian kundi ang gumuho at mag-collapse.


Hindi malayong magising tayo isang umaga na wala nang Facebook — matutunaw ang impormasyong nai-post dito ng mga nauutong account holders!


◘◘◘


PATUNGO na ang lahat sa metaverse.


Kung kakaunti ang nakauunawa sa modernong IT, kakarampot din ang nakaiintindi sa metaverse!

◘◘◘


MAGING ang Facebook executives ay mangmang kung ano talaga ang kahulugan nito.


Nag-imbento sila ng bagong termino, kahit sila ay hindi nakauunawa!


◘◘◘


NAIWANAN na ng teknolohiya ang humanidad o sangkatauhan.


Hindi na maunawaan ang inimbento nilang “demonyo” na dinidiyos ng modernong kabataan!

◘◘◘


LAHAT halos ng kabataan ay hindi natutulog sa gabi dahil sa modernong daloy ng impormasyon.


Nasira na ang depinisyon kung ano ang “tao”!


◘◘◘


IBA na ang “kultura” ng kabataan, apektado sila ng teknolohiyang kanilang kinababaliwan.


Isang ritwal na lang ang pagpunta sa sekta o relihiyon.


Hindi na nila nauunawaan ng pangangailangan ng “diyos”!


◘◘◘


MAGING ang moralidad ay nabago na.


Malayo na ito sa ibininhi o isinabuhay ng kanila mga ninuno!


◘◘◘


NALIGAW na ang ating henerasyon.


Walang nagtatangka na itumpak ito sa dapat kalalagyan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page