ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 10, 2024
PARANG MGA ‘SIRANG PLAKA’ ANG MAGPINSANG PBBM AT SPEAKER ROMUALDEZ -- Tulad ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), parang “sirang plaka” rin ang pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez.
Nang ipag-utos ni PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 22, 2024, ang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ang sabi ni Speaker Romualdez ay suportado raw niya ang pagbabawal ng Presidente sa POGO, at nitong Nov. 8, 2024 nang ipag-utos uli ng Pangulo ang pag-ban sa POGO, ang sabi na naman ng House speaker ay suportado niya ang pag-ban sa POGO.
Magpinsan nga sila, pareho silang parang mga “sirang plaka” sa paulit-ulit na statement tungkol sa POGO, boom!
XXX
HANGGA’T NAMAMAYANI ANG POLITICAL DYNASTY, HINDI MAKAKAMTAN NG MGA PINOY ANG KAGINHAWAAN SA ‘PINAS -- Sa kada halalan ay parami nang parami ang mga “Kamag-anak Inc.” na sabayang kumakandidato, at dahil tanyag ang kanilang mga apelyido, nagtatagumpay silang lahat na magwagi sa eleksyon dahil ang buong angkan ng mga pulitiko ang ibinoboto ng majority Pinoy.
Next year ay midterm election na naman, at kung mamamayani na naman ang political dynasty sa halalan, wala na talagang pag-asa ang mga Pilipino na makamtan pa ang kaginhawaan ng buhay sa Pilipinas, period!
XXX
QUAD COMMITTEE MEMBERS, NASINDAK KAY EX-P-DUTERTE? -- Hanggang ngayon ay wala pang reaksyon ang mga kongresistang anti-Duterte sa sinabi ni ex-P-Duterte na hindi siya natatakot sa mga miyembro ng Quad Committee ng Kamara at sa banta ng ex-president na pagsisipain daw niya ang mga cong. kapag pina-contempt siya.
Dahil wala pang reaksyon ang mga anti-Duterte politician, lumalabas ngayon na tila nasindak sila sa mga sinabi ng dating presidente na makakatikim sila ng tadyak mula rito kapag pina-contempt nila ito dahil sa hindi pagdalo sa QuadComm hearing sa Kamara, boom!
XXX
LALABAS NA WALANG ISANG SALITA ANG PRESIDENTE NG ‘PINAS KAPAG PINAG-MEMBER ULI NI PBBM ANG BANSA SA ICC -- Iminungkahi ni Sen. Koko Pimentel kay PBBM na ibalik o sumapi uli ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Kaya kapag nahimok si PBBM na bumalik ang ‘Pinas bilang miyembro ng ICC ay tiyak makakatikim na naman siya ng pamba-bash sa publiko kasi lalabas na wala siyang isang salita dahil sinabi na niya noon na kailanman ay hindi na babalik sa kontrol ng ICC ang bansa, period!
Comments