Political ad ni Cayetano na P10-K ayuda kada mamamayan, vote-buying?
- BULGAR
- Oct 30, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 30, 2021
VOTE-BUYING BA ANG P10-K AYUDA POLITICAL AD NI CAYETANO?—Dahil mainit na isyu ngayon ang vote-buying, isa sa mga dapat pag-aralan ng Comelec ay ang political ad ni senatorial candidate Taguig City Rep. Alan Cayetano na may temang P10-K ayuda sa mamamayan.
Mistulan itong vote-buying, tipong ‘pag siya ba ang ibinoto ng mamamayan ay mabibigyan ang mga ito ng P10-K? Abangan!
◘◘◘
WALANG DAPAT ASAHAN ANG MAMAMAYAN SA P10-K AYUDA KASI WALANG GANYAN SA 2022 NATIONAL BUDGET—Totoong may isinulong si Cayetano na P10-K ayuda sa bawat mamamayan, pero isinulong niya ito noong napatalsik na siya bilang House Speaker, kaya dinedma lang ng majority congressmen ang mungkahing ito, na ibig sabihin ay hindi ito naisama sa 2022 National Budget, kaya’t walang dapat asahang ayuda ang publiko.
Kung sakaling palaring manalong senador, malabo pa rin itong maipasa sa 2023 National Budget dahil baka wala nang pandemya sa mga panahong ‘yan.
Sa totoo lang, kung seryoso si Cayetano na mamigay ng tig-P10-K ayuda, dapat isinulong niya ito noong siya pa ang boss ng Kongreso dahil siguradong aaprubahan ito ng majority congressmen, period!
◘◘◘
DAPAT SA MGA PINOY NA NAGBABAYAD NG BUWIS MAGPAKITA NG SIMPATIYA ANG PANGULO, HINDI SA MGA NANG-SCAM SA KABAN NG BAYAN—Bilang pagpapakita ng simpatiya sa mga taga-PS-DBM at Pharmally Corp., sa tuwing haharap sa publiko si P-Duterte ay inaatake nito si Sen. Gordon at ibang senador na miyembro ng Blue Ribbon Committee.
Sa totoo lang, bilang pangulo at ama ng bayan, dapat sa mga Pinoy na nagbabayad ng buwis magpakita ng simpatiya si P-Duterte at hindi sa mga scammers na taga-PS-DBM at Pharmally na “nanindikato” sa kaban ng bayan, period!





Comments