top of page

Poland tinalo ang Brazil, Italy winalis ang Slovenia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2023
  • 2 min read

ni MC / Clyde Mariano @Sports | July 8, 2023



ree

Bumida si Wilfredo Leon nang isadsad ng world’s top-ranked team Poland sa 25-23, 22-25, 25-21, 25-21 na score win ang Brazil sa Men’s Volleyball Nations League (VNL) 2023 kahapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


Nagbagsak si Leon ng 22 points, 20 attacks, one block, at 1 service ace nang umibayo ang Poland sa 8-2 sa Week 3. Bumaba ang Brazil sa 7-4.


Nanguna naman si Yuri Romano para sa powerhouse Italy nang walisin ang Slovenia, 25-13. 25-22, 25-17 at palawigin ang winning streak. Naglagpak ang star opposite hitter ng 16 points, 11 attacks, three service aces, at 2 blocks nang umiskor ang Italians ng ikatlong sunod na panalo sa liga at umibayo sa 8-3.


Samantala, unang ginapi ng Slovenia ang China, 25-21, 25-20, 24-26, 25-23 upang umangat sa playoff.


Matapos ang 2-0 lead laban sa world no. 1 Poland sa pahirapang five set defeat sa nakaraang laban, may natutunang aral ang Slovenians upang gitlain ang comeback bid ng China.


Umangat ang Slovenia, world no. 8 sa 7-3 upang pumatas sa Brazil at Italy para sa third to fifth place kasunod ng kanilang unang mga panalo para kumarera sa Top-8 finish ng final preliminary leg ng VNL dito sa bansa habang ang final round ay idaraos sa Poland sa Hulyo 19 hanggang 24.


Nasundan ni Klemen Cebulj ang kanyang 20 puntos na nagawa laban sa Poland sa bisa ng 21-point masterclass, single block sa 4th upang itulak ang Slovenia sa match point.


Nakagawa si Jingyin Zhang ng 16 points para sa China na dumanas ng ikalawang sunod na talo sa Philippine leg. Sadsad ang China sa 2-8 at nasa 14th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page