POKWANG, IPINAGSIGAWANG IBOBOYKOT NG MGA FANS NIYA ANG MOVIE NI LEE
- BULGAR
- May 15, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 15, 2023

Kahit hindi binanggit ang pangalan, binati pa rin ni Lee O’Brian ng "Happy Mother’s Day" si Pokwang at ‘yung post ni Lee, may three red heart emojis pa na para sa lahat ng kanyang binati.
“Happiest of Mother’s Day to all the mothers out there- to my very own, to the mother of my child, to my aunts and cousins, friends and all the women- who raise and nurture their children. We literally would not be here without you!! Thank you for what you do.”
May mga nag-thank you kay Lee sa kanyang greetings at sinabihan pa siyang may class act and breeding sa kanyang ginawa.
And speaking of Pokwang, si Lee yata ang blind item post niya sa IG Story na “So, pa'no 'yan?
Ibo-boycott daw ng aking mga avid followers ang movie na kasama si Jinx! Mga nag-unfollow na rin sa kanya sa IG! From 232K to 216K and more to come, hahaaa! Sorry...”
‘Kaloka! Nadamay pati ang pelikulang kasama si Lee na in fairness kay Pokwang, hindi binanggit ang title.
Pero, kung ang gustong tukuyin na movie ni Pokwang na kasama si Lee, ang alam namin, hindi ‘yun sa sinehan ipapalabas kundi sa isang streaming app. Unless, may iba pang pelikula na ginawa si Lee.





Comments