POKWANG, IBINULGAR NA MAY NAKAKANDONG NA WAITRESS SA EX NA PADIR NG ANAK SA BAR
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 3, 2023

May hanash si Pokwang sa kanyang Twitter page kahapon. Bagama’t wala siyang pangalan na tinukoy, tila ang pinatutungkulan niya ay ang dating karelasyong si Lee O’Brian.
"Susme, eh, ano naman kung may nakakandong na waitress sa kanya diyan sa isang Mexican bar sa BGC?" ang simula ng tweet ni Pokwang.
Pagkatapos nito ay halatang sarkastiko ang kanyang tono nang i-congratulate niya si Lee at natagpuan na raw nito ang pinapangarap na babae.
"Hayaan n'yo siya. Masaya siya dahil sa wakas, natagpuan na n'ya ang pangarap niyang babae at deserve niya 'yan. Yeheeeyy! Congratulations po," aniya.
Sa dulo ay nilagyan niya ng mga hashtags na #DiAkoBitterHa at #HappyForYou.
Komento ng isang netizen, “You are so blessed, Poks! You have work, pretty kids and no one's giving you headache anymore. Look around your house, just say thank you God!!"
Sinagot naman ito ng aktres ng "I'm thankful everyday po, kasama na ang pagkakaalis ni God sa buhay ko ng isang lalaking walang kuwenta."
Sey naman ng isa pang fan, "Hayaan mo na, Mamang. Baka achievement sa kanya ang may nakakandong na waitress."
Sinagot naman ito ni Pokwang ng mga laughing emojis.
Samantala, kamakailan ay nag-post si Pokwang ng larawan sa kanyang Instagram kung saan nga ay makikita na kumonsulta siya ng abogado para sa hindi pa malamang kadahilanan.
"Thank you atty. @ralph_calinisan! #TuloyLangLabanParaSaKinabukasan. Hindi ako susuko para sa 'yo, anak @malia_obrian. Kung naitaguyod ko si ate nang mag-isa, mas lalo akong magsisipag at magiging matapang para sa inyo ng ate mo," ang pahayag ni Pokwang.
May tsikang maghahain umano si Pokwang ng child custody at child support sa dating partner para sa anak nila na si Malia.





Comments