top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

POKWANG, IBINULGAR NA 5 YRS. 'DI NAGSUSUSTENTO ANG PADIR NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 31, 2023






Ayan na, nag-spill na ng tea si Pokwang sa nangyari sa kanila ni Lee O’ Brian. May post si Lee tungkol sa anak nilang si Malia at may nag-comment na “It’s just so sad how you break this li'l kiddo in tears.”


Nag-comment si Pokwang ng “True, akala siguro nila, papatulan sila ng Kano na 'yan kahit magpapansin ka araw-araw sa post niya, stalker ka. Anak nga niya, walang suporta 5 years!!!


Inyo na 'yan, saksak mo sa ngala-ngala mo.”


Naisip tuloy ng mga netizens na baka tungkol sa child support ang inilapit ni Pokwang sa kanyang lawyer. Saka may pangalan na sinagot si Pokwang at inakusahan ng netizen na homewrecker, hindi naman siguro ‘yun ang sinasabing bagong girl ni Lee.


‘Yung akala natin maayos ang paghihiwalay nina Pokwang at Lee, ‘yun pala ay may mga isyung ganito at masusundan kapag sumagot si Lee. Hindi pala nagko-comment si Lee sa mga comments ni Pokwang.


Mabuti na lang at maraming projects si Pokwang at keri ang maging single parent.


May TicToClock siya sa GMA-7, may shows sa USA at may movie na ii-stream sa Prime Video. Real estate agent na rin daw siya ng Camaya Coast.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page