POKWANG, AYAW IPAGAMIT ANG APELYIDO NI LEE SA ANAK NILA
ni Nitz Miralles @Bida | March 2, 2023

May time pa ba si Lee O’Brian na magkamot ng ulo sa sunud-sunod na pasabog ni Pokwang tungkol sa kanya?
Ang daming kinimkim ni Pokwang na ngayon lang niya inilabas at kapag nabanggit ang pangalan ni Lee, agad may comment ang komedyana.
Hindi raw niya ex-husband si Lee dahil hindi sila kasal.
At sa comment na dapat maging thankful siya kay Lee dahil may maganda siyang anak, “Ano ang thankful na ako nagbayad lahat magmula sa prenatal checkup, vitamins at panganganak ko, ako lahat????” himutok ni Pokee.
May shocking pang inamin si Pokwang na nagalit si Lee nang malamang buntis siya.
“Hindi magiging masaya ang anak namin kapag nalaman niyang batugan at ayaw sa kanya ng tatay niya na nagalit nang nalaman na buntis ako! Tapos ang kuwento, mga t*nga!”
Sa nag-suggest na isunod niya sa kanya ang surname ni Malia dahil hindi worth gamitin ang apelyido ni Lee, “Inaasikaso ko na po” ang sagot ni Pokwang.
Kaya pala sa isa niyang post, “Malia Subong” na ang nakasulat na pangalan ng anak.
Parang natigil ang pakikialam ng mga netizens sa binanggit ni Pokwang na “Mentally at financially ang na-invest ko sa kanya kaya ganito (ang) g*gang 'to! Wala kayong alam! Kung isama ko kayo sa demanda para maunawaan n'yo?”
Hahaha!
Anyway, maiba kami, muling mapapanood sa Buko Channel simula sa March 4, 8 PM ang Kusina ni Mamang, ang new season ng cooking show ni Pokwang.
Kakaiba ang bagong season this time dahil dadalhin nina Pokwang at DJ Jhai Ho ang mga viewers sa isang culinary journey. Tampok dito ang mga pagkaing hango sa authentic Filipino cuisine.
Kaya ihanda na ang mga rekados na kakailanganin para sa kakaibang salu-salo at sundan ang nakakatuwang chemistry nina Pokwang at DJ Jhai Ho habang tinutuklas ang mayamang kultura ng Pilipinas. Bibigyan nila ng modern twist ang mga regional dishes kasama ang special guests. Kabilang sa mga magge-guest sa new season sina Ara Mina, Dimples Romana, Adrian Alandy at Joselle, Joem Bascon at Meryll Soriano, Karen Davila, Ariel Rivera at Gelli de Belen, JM de Guzman, Arci Muñoz, Eugene Domingo at iba pa.
Ang Kusina ni Mamang ay airing din via Pay TV sa Cignal at SatLife Ch. 2, Cignal Play Live TV at Video-On-Demand. May catch-up airing sa TV5 starting Mar. 5, 8 AM.
Of course, napapanood pa rin si Pokwang sa TicToClock ng GMA-7, Monday to Friday na laging riot ang episode.





Comments