top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

PNP, todo-aksiyon sa na-snatch na CP ni DOLE Sec. Bello, dedma ‘pag ordinaryong Pinoy, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 10, 2020



ANG AGA MAMULITIKA NI DFA SEC. LOCSIN—Nag-post sa social media si DFA Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. na nightmare raw sa oposisyon ang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2022 ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


Pambihirang DFA sec. ‘to, imbes na pagtuunan nang pansin at alamin sa mga embahada sa iba’t ibang bansa ang kalagayan ng mga OFW dahil patuloy pa ring nananalasa sa mundo ang COVID-19, ang inaatupag ay ikampanya na kandidatura ni Mayor Sara kahit matagal pa ang 2022 presidential election, pwe!

◘◘◘

KAMPI ANG MAG-AMANG VILLAFUERTE KAY MAYOR SARA KASI TINALO NOON NI VP LENI ANG NANAY NI CONG. L-RAY AT LOLA NI GOV. MIGZ—Isang pagkalaki-laking tarpaulin na may mukha ni Mayor Sara na wine-welcome ito ang ibinalandra ng mag-amang Cong. L-Ray at Gov. Migz Villafuerte sa Camarines Sur bilang tanda na mas suportado nila ito kaysa kababayan nilang si Vice-Pres. Leni Robredo kapag naglaban ang dalawa sa 2022 presidential election.


Hindi kataka-takang mas suportahan ng mga mag-amang Villafuerte si Mayor Sara kaysa kay VP Leni kasi nasaktan ang kanilang damdamin nang talunin ni Robredo noong 2013 election sa pagka-kongresista ang ermat ni Cong. L-Ray at lola ni Gov. Migz, boom!

◘◘◘

DDS, BINANSAGANG TERORISTA SI SALCEDA PORKE HINIRIT NA ILAAN SA ALBAY PONDO NG ANTI-INSURGENCY TASK FORCE—Binansagang terorista ng mga DDS sa social media si Albay Rep. Joey Salceda dahil hinihirit nito ang P19 bilyon pondo ng anti-communist na NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) ay ilaan na lang sa Albay na labis sinalanta ng Bagyong Rolly.


Ganyan kababaw ang utak ng mga DDS kasi gusto lang naman ni Salceda matulungan ang kanyang mga kababayan, eh, ang turing na nila sa kongresista ay terorista, mga buwisit!

◘◘◘

KAPAG GOV’T. OFFICIAL ANG NABIKTIMA NG ISNATSER, AKSIYON AGAD ANG PNP, PERO KAPAG ORDINARY CITIZEN ANG BIKTIMA “NGANGA”—Simbilis ng kidlat na nahuli ng mga parak ang mga isnatser na nang-snatch sa cellphone ni Sec. Silvestre Bello III ng DOLE.


Kapag high ranking official ng gobyerno ang nabiktima ng mga isnatser, aksiyon agad ang PNP pero kapag ordinaryong mamamayan ang biktima, ang kukupad magsikilos, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page