top of page
Pokwang.jpg

PNP, malinaw na pumalpak sa Dacera case, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 10, 2021



Halatang pumalpak ang PNP sa Dacera case.


Larawan ito ng kahinaan ng PNP.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


HINDI isyu kung may krimen o wala.


Ang isyu ngayon—ay ang kawalan ng kredibilidad ng buong hayrarkiya ng PNP na tumugon sa ganyang klase ng sitwasyon!


◘◘◘


MALINAW na walang maayos na kakayahan ang PNP chief kung saan agad nagbibigay ng “pahayag” nang hindi pinag-iisipang mabuti.


Damay ang reputasyon ng appointing officer!


◘◘◘


KUNG ang high profile case ng tulad ng Dacera case ay hindi naiayos mabuti, paano pa ang ordinaryong “babae” na nilalasing at inaabuso?


Saan tatakbo?


Malinaw na marami pang “Dacera” na “solved cases” kuno!


◘◘◘


KAKAUNTI na lang ang nanalabing araw ni P-Digong sa Malacañang.


Kailangang tuldukan ni P-Digong ang kanyang termino nang may “mas matayog” na grado tulad ng expectation ng kanyang mga kapanalig!


◘◘◘


SAKALING kumandidato si Mayor Sara, mumultuhin siya ng Dacera Case.


Kahit wala siyang kinalaman ay madadamay siya sa kahinaan ng pulisya!


◘◘◘


HINDI napagbuti ni P-Digong ang “proseso” sa PNP kung paano kukuha ng ebidensiya at kung paano iaayos ang sitwasyon.


Bokya.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


TULAD sa Visconde Massacre, possible kayang ang mismong ilang element sa loob ng PNP ang “naglilinis” sa ebidensiya upang pagtakpan ang mastermind.


Puwede rin simpleng natural death ang ikinamatay ng stewardess, pero dahil sa kapalpakan ng ilang element ng PNP—ay nagulo ang sitwasyon.


Biktima rin mismo ang PNP, siyempre, biktima rin mismo si P-Digong!


◘◘◘


NAIIWANAN ang Pilipinas sa pamamakyaw ng COVID vaccine.


Meaning, aktuwal na binobola ng DOH at IATF ang buong populasyon.


Inaakala ng marami na makakabili agad ng bakuna, pero sa aktuwal—walang cash na ipambibili at ngayon pa lamang mangungutang!


◘◘◘


HINDI dapat batikusin ang gobyerno, bagkus ay dapat saklolohan ng mga pribadong korporasyon.


Dapat ding kaawaan si P-Digong—napapaligiran siya ng mga “pangdekorasyon” opisyal ng bayan!


◘◘◘


SA ngayon, sa Diyos at dasal pa rin umaasa ang Pilipinas.


Ipagdasal nating magkaroon ng agad ng herd immunity kahit walang bakuna!


◘◘◘

WALANG imposible sa dasal.


Maaaring bigla mawala ang virus sa loob ng 30-araw mula ngayon!


◘◘◘


KAPAG nawala ang virus, sino pa kaya ang magpapabukana gamit ang “made in China”.


Siyempre, mamimili at mag-i-inarte ang mga Pinoy!


◘◘◘


DAPAT ay may “permiso” ang indibibwal kung aling klase ng bakuna ang ipatuturok sa kanya.


Paano kung tanggihan ng Pinoy ang Sinopharm?


Paktay ang mga “nangomisyon” sa China!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page