PNP Chief, top-rated gov't. official
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 4, 2026

Photo: PNP
Nakakuha si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ng 78.8 porsyentong Index of Governance score sa pinakabagong nationwide governance survey.
Bukod sa mataas na governance score, nagtala rin si Nartatez ng mataas na trust at performance ratings mula sa mga respondent ng survey.
Ayon sa PNP, patuloy na isinusulong ng organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Nartatez ang mga programa sa pagpapatibay ng peace and order, community policing, at internal accountability.
Sinabi ng PNP na ang resulta ng survey ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng organisasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.





Comments