top of page
Matet de Leon - FB.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 11, 2026



Chief Nartatez - PNP

Photo: PNP



Patuloy ang pagpapatupad ng reporma at kampanya laban sa kriminalidad ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. 


Kabilang umano sa mga naging pangunahing hakbang ng PNP ang pag-aresto sa nahatulang dating pulis na si Rafael Dumlao III kaugnay ng kaso ng pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo. 


Pinaigting din ng organisasyon ang paglilinis sa sariling hanay matapos mapatawan ng parusa ang mahigit 1,500 pulis. 


Sa kampanya laban sa droga, naitala rin ang pagkakahatol sa isang Canadian national na sangkot sa pagkakasamsam ng tinatayang 1.4 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P9.68 bilyon sa Batangas. 


Samantala, tumulong din ang libu-libong pulis sa search and rescue operations, pamamahagi ng ayuda, at pagbabantay sa mga evacuation center nang tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao. 


Ayon sa PNP, bahagi ang mga hakbang na ito ng pagpapatibay ng pananagutan, propesyonalismo, at serbisyo sa publiko sa ilalim ng programang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas.”

 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 4, 2026



PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.  - PNP

Photo: PNP



Nakakuha si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ng 78.8 porsyentong Index of Governance score sa pinakabagong nationwide governance survey.


Bukod sa mataas na governance score, nagtala rin si Nartatez ng mataas na trust at performance ratings mula sa mga respondent ng survey.


Ayon sa PNP, patuloy na isinusulong ng organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Nartatez ang mga programa sa pagpapatibay ng peace and order, community policing, at internal accountability.


Sinabi ng PNP na ang resulta ng survey ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng organisasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


 
 

ni Lolet Abania | January 26, 2022



Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na sila ay nagsasagawa ng “continuous” background check sa lahat ng presidential aspirants kasunod ng naging statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y corrupt candidate na tatakbo sa 2022 elections.


“Continuous naman po ‘yun,” sabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos sa isang press conference ngayong Miyerkules.


“At the end of the day, we will not jump the gun. We are not directed to name names. We will just do our work. Submit our report to our command line, leadership,” paliwanag ni Carlos.


Sa isang pre-recorded na Talk to the People ng Pangulo na ipinalabas nitong Martes, binanggit ni Pangulong Duterte na ilalantad din niya sa publiko kung sino sa mga presidentiables ang aniya, “most corrupt.” “In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them.


Kailangan malaman ng tao, because you are electing a president,” sabi ng Punong Ehekutibo.


“[I will tell you] kung sino iyong pinaka-corrupt na kandidato. Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your president. There are things you must know,” diin pa ni Pangulong Duterte.


Sa naunang pahayag, inakusahan ni Pangulong Duterte ang isang hindi pinangalanang kandidato na aniya ay isang cocaine user. Ayon kay Carlos, wala pa rin silang ebidensiya na susuporta sa pahayag ng Pangulo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page