Plus, matinde sa Metro Turf, Malvar
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 19, 2022
Ipinakita ni Plus ang kanyang husay matapos manalo sa PHILRACOM Based Handicapping System na pinakawalan kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Sinakyan ni jockey Jerico Serrano, inirehistro ni Plus ang tiyempong 1:27.6 sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ng winning horse owner na si G.R. Gaerland ang P10,000 added prize.
Dumating na segundo si Surplus Boy, tersero si Che Che habang pumang-apat si Majestic Star sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, kinilala ang kontribusyon ni dating Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island, kahapon. Ipinanganak si Pangalusian Island noong 2014, siya ang pambatong kampeon ni horseowner/breeder Wilbert Tan.
Hindi agad pumutok ang pangalan ni Pangalusian Island sa kaagahan ng kanyang career sapagkat sa unang tapak nito sa pista noong 2016 ay naka-apat na takbo muna siya bago lumasap ng unang panalo.
Sumali si Pangalusian Island sa PHILRACOM Juvenile Championship, natalo siya kay Sepfourteen na isang kampeon.
Subalit noong 2017 ay naka-rebanse si Pangalusian Island kay Sepfourteen nang talunin ito ng may tatlong kabayo sa PHILTOBO-PHILRACOM Gintong Lahi.
Mas nakilala si Pangalusian Island nang sikwatin ang korona sa PGC noong Disyembre 17, 2020.
"We at the Philracom would also like to recognize the achievements of our equine superstars as they are the ones which draw the racing aficionados to the track or their favorite OTB's," saad ni PHILRACOM chairman Reli De Leon.

Comments