top of page
Search
  • BULGAR

"Please release me," —Dy, pakiusap ng MMA fighter

ni Gerard Arce - @Sports | October 19, 2021






Nais nang makawala ni dating UFC fighter Rolando “Dy Incredible” Dy sa promotional outfit nitong BRAVE Combat Federation dahil sa patuloy na hindi pagkakaroon at pagbibigay ng mga laban, gayundin ang hindi umano patas na pagtingin sa mga manlalaro nito na pawang pili lamang umano ang pinapaboran.


Napansin ng 30-anyos mula Paranaque City at anak ni dating WBC super-featherweight champion Rolando “Bad boy from Dadiangas” Navarrete, na hindi siya nabibigyan ng sapat na laban at tamang katapat na tanging ang mga gusto lamang ng naturang promo outfit ang kanilang pinapalaban higit na sa mga World title matches.


Nanghingi na ako ng release mga two days ago, (kaso) hindi pa nagre-reply,” wika ni Dy sa mensahe nito sa Bulgar Sports sa online messaging. “Plus super bias pa nila sa mga bata nila, pano puro high rank ang pinapalaban sa akin, tapos dun sa champ ngayon puro low rank lang ang kinakalaban tapos lumaban sa belt nanalo pa,” dagdag ng orthodox fighter hinggil sa bagong kampeon na si Ahmed “The Butcher” Amir na tinalo ang dating kampeon na si Amin “Fierceness” Ayoub ng France via unanimous decision sa BRAVE CF 54 para sa Lightweight title nitong nagdaang Setyembre 25 sa Konin, Poland.


Mayroon pa umanong nalalabing mahigit dalawang taong kontrata ang dating Abu Dhabi Warriors featherweight titlist na kakapirma lamang ngayong taon.


Unang beses lumaban sa promo outfit si Dy noong Disyembre 27, 2019 laban kay Anzor Abdulkhozhaev ng Russia sa BRAVE CF 33 na nagresulta sa 1st round TKO sa Jeddah, Saudi Arabia. Sinundan ito ng kambal na tagumpay noong 2020 na nagbigay sa kanya ng bilang Fighter of the Year award ng BRAVE CF matapos ang panalo sa mga top-ranked MMA fighters na sina Maciek “Magicman” Gierszewski ng Poland via split decision nung Setyembre 24, 2020 at contender John Brewin ng New Zealand sa pamamagitan ng unanimous decision noong Nobyembre 5, 2020.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page