Player, ‘di na raw nagla-like sa post ng anak ni Goma… JULIANA AT RICCI, PINAGDUDAHANG BREAK NA
- BULGAR

- Jun 17
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 17, 2026

Photo: IG _ricciiirivero & _gomezjuliana
Na-call-out si Ricci Rivero ng mga netizens sa hindi niya pagla-like sa mga posts ng kanyang girlfriend na si Juliana Gomez sa socmed (social media). May nagduda tuloy na baka break na sina Ricci at Juliana.
Kuda ng isang Instagram (IG) follower sa post ni Juliana, “Bakit ‘di nagla-like si Ricci sa mga posts mo?! Is he not brave enough?”
Agad namang ipinagtanggol si Ricci ng kanyang mga fans.
“Nasa dagat pa (it means na baka walang signal), wait mo.”
“Minsan, mas maigi ‘yung hindi lahat nakikita ng tao kasi maraming evil eye.”
“Nag-like s’ya sa mga posts ni Juliana, maya-maya, wait mo, naka-like na.”
On the same IG post, kapansin-pansin ang pag-like at pag-comment ni KC Concepcion.
Nakakatuwang isipin na friends sa socmed (social media) ang dalawang unica hija ng dating heartthrob rivals na sina Gabby Concepcion at Richard Gomez kay Sharon Cuneta.
Hopefully, magkaroon ng collaboration sina KC at Juliana sa socmed.
ISINUGOD sa ospital si Kiray Celis.
Ipinost mismo ni Kiray sa Instagram (IG) ang video niya habang nasa ospital.
Nabahala ang marami sa IG post ni Kiray, lalo pa sa kalagayan niya ngayon.
As of this writing, hindi pa klaro ang rason ng pagkaka-confine ni Kiray sa ospital. Nag-aalala ang mga followers niya dahil alam nilang kulang pa sa buwan para isilang ni Kiray ang baby nila ng kanyang mister na si Stephan Estopia.
Makikita sa video na nakaratay sa hospital bed si Kiray, may suot na face mask at tila hinang-hina.
Caption ni Kiray, “Here at @iammakatimed.”
Anuman ang rason ng pagkaka-confine ni Kiray, dasal ng mga netizens na hindi maapektuhan ang kanyang pagbubuntis.
Nagpakita ng concern sa kalagayan ni Kiray ang ilang celebrities.
“Are you okay?” pangungumusta ni Ogie Alcasid.
“Get well soon,” mensahe nina SexBomb Jopay Paguia-Zamora at Sherilyn Reyes.
“I love you, Kiray,” sabi ni Iwa Moto.
Nagparating din ng pangungumusta ang mga netizens kay Kiray:
“Ano’ng nangyari? @kiraycelis, kung ano man ‘yan, nawa ay maging maayos ang lahat sa ‘yo at kay baby.”
“Napano ka, Mi? Get well and get some rest.”
“I hope everything is okay, Kiray.”
Harinawang okay na si Kiray Celis as of this writing.





Comments