Search
  • BULGAR

Playboy at playgirl, pinagtagpo…

HIRIT NG NETIZENS: DEREK AT ELLEN, PAREHONG MAHAROT, BAGAY NA BAGAY!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 13, 2021




Mukhang may bagong showbiz couple na pag-uusapan at tututukan sa mga susunod na araw.


Ngayon pa nga lang, pinagpipiyestahan na sa Instagram ang ipinost ni Ruffa Gutierrez na mga videos at pictures niya kasama ang parehong single na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna habang sila ay nagkakasiyahan sa bahay ng aktor na nag-host ng dinner party kamakailan.


Base sa mga videos at pictures na ipinost ni Ruffa, mukhang may something na namumuo ngayon kina Derek at Ellen. Agad namang nabulabog ang mga netizens at kani-kanyang comment tungkol sa dalawa.


Sabi ng isang netizen, “Ellen, pls. 'wag 'yan, pls. lang? Likewise rin para kay Derek, kaya it’s a tie.”


Sagot naman ng isa, “Keri lang 'yan, pareho naman silang player.”


“Bagay, parehong liberated, malay mo, magkasundo sila.”


“Actually, bagay sila. Parehong marami nang nakarelasyon. Baka sila pala ang magpapatino sa isa’t isa, haha!”


“Bagay sila. Single and ready to mingle.”


“Birds of same feather sila.”


“'Yan ang bagay. Pareho ring may anak and mukhang hindi marriage ang ultimate goal sa relationship. They can ride through the ups and downs together dahil parehong hindi nag-e-expect.”


“Parang joke-joke lang. Known maharot pareho, eh.”


Hmmm… Sa palagay n'yo, dear Bulgary Files readers, magkakagustuhan kaya ang dalawang loveless celebrities na ito?


Abangan ang susunod na kabanata.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.